Paolo Contis ibinahagi ang clingy moment kasama sina Aki at Summer

Imahe mula sa Instagram | Paolo Contis
  • Kinagiliwan ng netizens ang larawan nina Paolo Contis at ng kaniyang stepson na si Aki at anak na si Summer
  • Makikita rito na nakayapos ang dalawa kay Paolo habang nanonood ito ng basketball
  • Biro naman ng aktor, nais niya sanang manood nang tahimik ngunit hindi siya iniiwanan ng dalawa

Marami ang na-touch sa larawan na ibinahagi ng aktor na si Paolo Contis kasama ang stepson na si Aki at anak na si Summer.

Imahe mula sa Instagram | LJ Reyes

Makikita ritong magkakatabi ang tatlo habang nakayapos ang dalawa sa kanilang ama. “Gusto ko lang naman manood ng NBA nang tahimik at matiwasay! Puwede ba? HINDI! But I don’t mind,” biro ni Paolo.

Kinagiliwan naman ng netizens ang walang kapantay na clingy moment na ito. “Grabeng yapos. Sarap kapag ganiyan ang mga junakis,” ani Amieh.

Ang ilang netizens, hanga naman sa pagiging malapit ni Paolo kay Aki na anak ng kaniyang partner na si LJ Reyes sa dating boyfriend na si Paulo Avelino. “I love how Aki clings to you. It shows how great you are with him. He is lucky to have a father like you,” sabi ni Myka M.

“Look at how the boy wraps his arms around you, @paolo_contis. That only shows how wonderful you are as a stepdad,” dagdag naman ni @thescorpionproject.

Imahe mula sa Instagram | Paolo Contis

Madalas na mag-trend ang mga larawan ni Paolo kasama si Aki dahil sa kakaibang bond nila sa isa’t isa.

Sabi naman ni Claire, kahit madalas ay hindi maganda ang image ng aktor sa kaniyang mga pelikula, ay nasasalamin naman sa kaniya ang imahe ng mabuting ama.

Sagot naman ni Elynor D., i-treasure ni Paolo ang ganitong moments dahil mabilis lamang lilipas ang panahon. “Okay lang ‘yan. Time flies so fast. Magugulat ka na lang, dalaga na si Summer and you will miss moments like that,” aniya.

Source :

Instagram

Loading…