Para hindi renew nang renew: Sen. Lapid isinusulong ang lifetime validity ng ID ng PWDs na may permanent disability

Imahe mula sa eComparemo
  • Mga PWD na may permanent disablitiy hindi na dapat magpa-renew ng ID kada tatlong taon
  • Aksaya sa oras ang paulit-ulit na proseso at sayang ang perang ibinabayad sa renewal ng ID gayong wala namang nabago sa kalagayan ng PWD na permanente ang kapansanan
  • Sa kasalukuyang patakarang umiiral, required ang mga PWDs na mag-renew ng ID kada tatlong taon para sa re-evaluation ng entitlement ng cardholder sa mga benepisyo

Naghain ng panukala si Senator Lito Lapid na gawing lifetime ang validity ng ID na iniisyu sa mga persons with disability (PWDs) na may permanenteng kapansanan.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Lito Lapid

Layon ng nasabing panukala na amyendahan ang Republic Act No. 7277o ang Magna Carta for Disabled Persons.

Bilang paliwanag sa inihaing Senate Bill No. 1795, sinabi ng senador na mahalagang maibsan ang bigat na dinadala ng mga PWDs na may permanent disabilities tulad ng pre-existing birth defects, permanent blindness or deafness, loss of limbs and body parts. Aniya, hindi na sila dapat obligahin na mag-renew ng ID.

Sa kasalukuyang patakaran na umiiral, sinabi ni Sen. Lapid na required ang mga PWDs na mag-renew ng ID kada tatlong taon para sa re-evaluation ng entitlement ng cardholder sa mga benepisyo kaugnay ng kanyang kalagayan bilang PWD.

Hindi dapat ang nasabing patakaran sa  mga may permanenteng kapansanan dahil nakakapagod umano ang proseso ng ID renewal bukod pa sa ito ay “superfluous, burdensome and waste of government resources.”

Imahe mula sa BWO

“This bill seeks to eliminate this unnecessary burden and rationalize the issuance of PWD IDs by providing for the lifetime validity for PWDs with permanent disabilities. This will spare them the inconvenience of going back to the issuing offices every three years, filling up the renewal forms, falling in line and paying fees and charges just to renew their PWD IDs, when no changes have occurred as to their disability status,” saad ng senador sa explanatory note sa SB No. 1795.

Aniya, aksaya lang sa oras ang paulit-ulit na proseso at sayang lang ang perang ibinabayad ng mga PWDs sa renewal ng ID gayong wala namang nabago sa kanilang kapansanan.

Imahe mula sa eComparemo

Isanlibong pisong allowance kada buwan para sa mga PWDs isinusulong sa Kamara

Samantala, isinusulong naman ni Bohol Rep. Kristine Alexie Tutor na magkaroon ng P1,000 allowance per month ang mga PWDs. Layon ng House Bill No. 7571 na magkaroon ng Social Pension Program para sa lahat ng registered PWDs ng bansa bilang karagdagan sa iba pang assistance programs ng pamahalaan para sa kanila.

Nakapaloob sa panukalang-batas ang pagkakaroon ng National Persons with Disability Registry na magsisilbing verified national database ng mga Pinoy PWDs

Loading…