Pemberton ginawaran ng ‘absolute pardon’ ni Pangulong Duterte – Locsin

Imahe mula sa Facebook
  • Ginawaran ng ‘absolute pardon’ ni Pangulong Duterte si Joseph Scott Pemberton
  • Ibinahagi ni Sec. Locisn ang balita sa kaniyang Twitter ngayong Lunes
  • Nauna nang ipinag-utos ng Malakanyang na ipagpaliban muna ang pagpapalaya sa US serviceman

Ginawaran ng ‘absolute pardon’ ni Pangulong Rodrigo Duterte si  US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton; ito ang ibinahagi ni Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.

Sa isang Twitter post, sinabi ni Locsin na sa Malakanyang mismo iginawad ng Pangulo ang pardon kay Pemberton nitong Lunes, ika-7 ng Setyembre.

Screenshot mula sa Twitter post ni Sec. Locsin

“Cutting matters short over what constitutes time served, and since where he was detained was not in the prisoner’s control—and to do justice—the President has granted an absolute pardon to Pemberton. Here at the Palace,” ayon sa kalihim.

Si Pemberton ay nakulong ng halos anim na taon matapos masangkot sa kaso ni Jennifer Laude sa Olongapo City noong 2014. Siya ay nahatulan ng 6 hanggang 10 taong pagkakabilanggo at nakadetine sa isang restricted facility sa Camp Aguinaldo.

Noong nakaraang linggo, naglabas ng kautusan si Presiding Judge Roline Ginez-Jabalde ng Olongapo Regional Trial Court (RTC) Branch 74 upang palayain si Pemberton.

Giit ng korte, nasilbihan na ng Amerikanong sundalo ang kaniyang sentensiya na 10 taon dahil sa konsiderasyon sa kaniyang good conduct time allowance o GCTA.

Imahe mula sa MSN

Dismayado naman ang pamilya Laude sa desisyon ng huwes lalo pa’t hindi pa rin daw humihingi ng paumanhin sa kanila si Pemberton.

Maging si Presidential Spokesperson Harry Roque, na dating abugado ng mga Laude, ay kinondena ang napipintong paglaya ng US serviceman.

Nauna nang sinabi ng Malakanyang na hindi pa puwedeng palayain si Pemberton matapos atasan ng Department of Justice (DOJ) ang Bureau of Correction (BuCor) na pigilin mo ang release order ng Amerikano hangga’t hindi pa nareresolba ang motion for reconsideration na nakabinbin sa korte.

Loading…