Pestisyon ni Gadon para palitan ang pangalan ng NAIA ibinasura ng Korte Suprema

Imahe mula sa Facebook
  • Ibinasura ng SC ang petisyon ni Gadon para palitan ang pangalan ng NAIA
  • Unanimous umano ang desisyon ng mga mahistrado at ‘lack of merit’ ang dahilan
  • Nais ni Gadon na palitan ang pangalan ng NAIA dahil labag daw ito sa guidelines ng NHCP

Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ni Larry Gadon na naglalayong pawalang bisa ang batas na nagbigay pangalan sa dating Manila International Airport at ginawang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa tagapagsalita ng Kataas-taasang Hukuman sa bansa na si Atty Brian Keith Hosaka, unanimous ang naging desisyon ng en banc session para tanggihan ang petisyon ni Gadon. ‘Lack of merit’ umano ang ibinigay na dahilan ni Chief Justice Diosdado Peralta, ayon pa kay Hosaka.

Mababatid na inihain ni Gadon, kilalang tagasuporta ng kasalukuyang administrasyon at ng pamilya Marcos, ang nasabing petisyon noong Agosto 20.

Giit ng kontrobersyal na abogado, hindi naman exceptional na tao si Ninoy Aquino para ipangalan sa kaniya ang pambansang paliparan. Hindi rin umano naideklarang bayani ang namayapang asawa ni dating Pangulong Cory Aquino.

Ito raw ay paglabag sa guidelines ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) para sa pagpapangalan ng mga kalsada, lugar o gusali upang isunod sa isang tao.

Sa panuntunan kasi ng NHCP, nasasaad na “No public place should be named or renamed after a person within 10 years of his death except for highly exceptional reason”.

Imahe mula sa Facebook ni Atty. Gadon

Ang NAIA ay naipangalan kay Ninoy noong 1987, o apat na taon matapos siyang mapaslang sa tarmac ng paliparan.

Noong Hunyo, naghain din ng panukala si panukala ay inihain ni Deputy Speaker at Davao City Rep. Paolo Duterte sa ilalim ng House Bill No. 7031 para gawing “Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas” na lang ang NAIA.

Dumistansiya naman dito ang Palasyo at sinabing nasa kamay na ng Kongreso kung ipapasa ng mga mambabatas ang nabanggit na panukala.

Loading…