PH Air Force nakatanggap ng 4 na fighter planes mula sa Brazil

Imahe mula sa DFA Facebook
  • Nakatanggap ng apat na fighter planes ang PAF mula sa Brazil
  • Dumating na sa Clark ang dalawa habang parating naman ang dalawa pa, ayon sa DFA
  • Ang A-29B Super Tucano ay idinisenyo para sa aircraft light attack, close air support at counter-insurgency

Nakatanggap ang Philippine Air Force (PAF) ng apat na fighter planes mula sa Brazil; ito ang ibinahagi ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Linggo, Setyembre 20.

Dumating na sa Clark International Airport ang dalawa sa close Air Support Aircraft (A-29 Super Tucano) na ibinigay ng Empresa Brasiliera de Aeronáutica (Embraer SA) noong nakaraang Sabado habang parating ang dalawa pa.

Imahe mula sa DFA Facebook

Inihahanda na rin umano ang official arrival ceremony na gaganapin sa mga darating na araw, ayon sa DFA.

“As part of the efforts aimed at enhancing defense cooperation between the Philippines and Brazil, the Philippine Air Force (PAF), under the Revised Armed Forces of the Philippines Modernization Program (AFPMP), received four (4) units of Close Air Support Aircraft (A-29 Super Tucano) from Empresa Brasiliera de Aeronáutica (Embraer SA),” pahayag ng DFA.

Ang Embraer SA ay pangatlo sa pinakamalalaking manufacturer ng aircraft sa buong mundo. Bukod sa paggawa ng mga commercial, military, at executive aircraft, nagbibigay din ng aeronautical services ang nasabing kumpanya.

Ang A-29B Super Tucano ay idinisenyo para sa aircraft light attack, close air support, counter-insurgency, at aerial reconnaissance missions at low threat environments.

Screenshot mula sa DFA Facebook

“Additionally, the said aircraft is designed to operate in high temperature and humidity conditions in extremely rugged terrain similar to the country’s operational environment,” ayon pa sa DFA.

Nakikipagtulungan naman ang Philippine Embassy sa Brasilia para magbigay ng assistance at patuloy na nakikipag-ugnayan sa Embraer SA upang matiyak na darating sa itinakdang panahon ang mga nabanggit na fighter planes.

Loading…