PH envoy nilinaw na patuloy pa rin ang paghahanap ng JCG sa nawawalang crew ng lumubog na barko

Imahe mula sa Stuff.co.nz
  • Nilinaw ng PH ambassador sa Japan na tuloy pa rin ang paghahanap sa nawawalang crew
  • Sumama umano ang loob ng JCG dahil pinalalabas sa balita na inabandona nila ang lumubog na barko
  • Lumabas kasi sa pahayag ng DFA na itinigil na umano ng JCG ang search operation

Patuloy pa rin umano ang paghahanap ng Japan Coast Guard (JCG) sa nawawalang crew members ng lumubog na Gulf Livestock 1; ito ang nilinaw ni Ambassador Jose Laurel V.

Sa ginanap na online forum ng OFW Help Facebook page nitong Lunes, nilinaw ni Laurel ang naunang balita na tumigil na ang JCG sa search and retrieve operation noong nakaraang linggo matapo mabigong makahanap pa ng nawawalng tripulante ng lumubog na freighter ship.

“The Japanese have continuously helped us. They continuously searched and basically they have not stopped. I am in touch with the Defense ministry… and they are cooperating very well,” ani Laurel.

Screenshot mula sa Facebook video ng OFW Help

“Sumama lang ang loob dahil ang balita sa Maynila ay inabandona sila (crew), hindi ho, tuloy po ang pagtulong,” paliwanag ng ambassador.

Sa isang bulletin na inilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong Setyembre 10, sinabi nitong bumalik na sa ‘normal’ na operasyon ang JCG dahil wala na umano silang matagpuan pa sa nalalabing crew ng Gulf Livestock 1.

“The Department of Foreign Affairs (DFA), through the Philippine Embassy in Tokyo and the Philippine Consulate General in Osaka, wishes to report that the Japanese Coast Guard has decided to transition from full-time search operations for the crew of the missing vessel Gulf Livestock-1 to its usual patrol arrangements as they have found no trace of the ship since 05 September 2020,” ayon sa DFA.

Capt. Sareno| Imahe mula sa LA Times

Subalit ayon kay Laurel, mayroon pa ring mga sasakyan ngayon sa lugar na naghahanap sa lumubog na barko at nawawalang crew nito.

“They utilize 17 aircraft and 14 ships and they are still looking even now with all the modern technology that is available,” dagdag pa ng Filipino envoy.

Patuloy pa rin umano ang pakikipag-ugnayan sa kanila ng mga Japanese officials at halos araw-araw ang koordinasyon at pagbibigay ng impormasyon sa kanila.

Imahe mula sa Japan Coast Guard

Ang Gulf Livestock 1 ay mayroong sakay na 43 crew members; 39 dito ay mga Pinoy habang 4 naman ang banyaga. Hanggang noong Biyernes, tatlong crew lamang ang natagpuan ng JCG at dalawa sa mga ito ay buhay at ligtas na.

Unang natagpuan si Eduardo Sareno 45 anyos, isang chief officer noong Miyerkules ng gabi. Isa pang Pinoy na si Jay-Nel Rosales, 30 anyos at deck crew mula sa Cebu ang nailigtas makaraan ang dalawang araw.

Samantala, isa pang crew din ang nakitang palutang-lutang at walang malay na kinalaunan ay binawian rin ng buhay. Wala pang pagkakakilanlan ang sinawimpalad na crew na pinaniniwalaang isa ring Filipino.

Loading…