Pinoy animators nakiusap na ‘wag i-boycott ang animated na itinatampok si Robin Padilla

Screenshot mula sa YT video
  • Ipalalabas na sa Netflix ang animated film na “Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story”
  • Maraming netizen ang nanawagan para i-boycott ito dahil kay Robin Padilla na isa sa mga voice actors
  • Nakiusap naman ang mga Pinoy animators na sana raw ay tangkilikin ang pelikula imbes na i-boycott

Sa halip na i-boycott, dapat daw ay tangkilikin ang bagong Pinoy animated film kung saan isa si Robin Padilla sa magbibigay-boses sa isang karakter; ito ang pakiusap ng mga Filipino animatorsn sa publiko.

Natakdang ipalabas sa Netflix sa Oktubre ang animated film na “Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story” na pagtatampukan nina Padilla, Angelica Panganiban at Sam Milby.

Ito ay kuwento ng love triangle sa pagitan ng isang pusa at dalawang aso. Si Angelica ang boses sa likod ng bidang babae (Nimfa) habang si Robin (Roger) naman ang kaniyang kasintahan at si Sam Milby (Iñigo) ang magiging karibal nito.

Screenshot mula sa YT video

Ilang netizen ang nanawagan kamakailan upang i-boycott  pelikula dahil kay Robin na kilalang masugid na tagasuporta ng kasalukuyang administrasyon. Nagagalit kasi ang iba dahil umano sa mga kontrobersiyal na pahayag ni Binoe laban sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Subalit nanawagan ang mga Filipino animators at filmmakers na naging bahagi ng pelikula na sana raw ay suportahan at ‘wag i-boycott ang “Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story” lalo pa’t isa lang naman si Robin sa mga artista rito.

Screenshot mula sa Twitter

“PLEASE DO NOT BOYCOTT “HAYOP KA”!! [I’m] aware that [Robin Padilla] is very disliked and has sh*tty opinions but please also consider how the [Philippines] is terrible towards artists and animators and that this is a HUGE STEP for us aspiring creatives!!! SUPPORT THE LOCAL ARTISTS!” ayon sa tweet ni nebulastrokes na nagtrending.

Ganito rin ang naging pananaw ng ilang netizen na nagsabing nadadamay lang umano ang pelikula sa pagiging kontrobersiyal ni Padilla subalit dapat pa rin daw itong panoorin ng mga Pinoy.

Screenshot mula sa YT video

“[I’m] conflicted. The people behind Hayop Ka worked really hard for the film, and knowing how damn hard it is to push for animated movies in the PH, I really wanna go see it. I don’t, however, wanna support Robin Padilla,” bahagi ng isang Twitter user.

“Do not boycott this film just because of some problematic VA. Support this film because you support local artists, animators, and Filipino animation!!” wika naman ng isa pa.

Bahagi naman ni Avid Liongoren, ang director ng pelikula, mahigit tatlong taon umano nilang ginawa ang “Hayop Ka” at nais lamang nilang ipakita na marami ring mga magagaling na Pinoy animators sa bansa at sayang ang kanilang talento kung mapupunta lamang ito sa wala.

Ang “Hayop Ka” ay ipalalabas sa Netflix simula sa Oktubre 29, 2020.

Panoorin ang trailer:

Loading…