Piolo Pascual puwede bang kasuhan si BB Gandanghari?

Image by BB Gandanghari via Instagram
  • Mga pahayag ni BB Gandanghari ukol kina “David at Jonathan” pasok sa cyber libel, anang legal expert
  • Pero wala tayong hurisdiksyon sa mga kaso o krimen na nagawa sa labas ng bansa batay sa territoriality doctrine
  • Naniniwala ang legal expert na hindi na ito pag-aaksayahan pa ng panahon ni Piolo Pascual

Pasok sa kasong cyber libel ang mga pahayag ni BB Gandanghari kamakailan sa kanyang “tell all” vlog kung saan ibinahagi niya ang karanasan ni Rustom Padilla kasama ang isang “napakapopular na aktor” at makailang binanggit si Piolo; pero, saad ng legal expert, ang problema rito ay sa Amerika nagawa ang vlog at wala sa Pilipinas si BB.

Screenshot mula sa vlog ni BB Gandanghari

Nabanggit sa Cabinet Files ni Jojo Gabinete sa PEP na ipinahayag ng legal expert na madalas nakakahawak ng kaso sa local entertainment industry na, “This is cyber libel, technically. He (BB) can be responsible for it.”

Kaya lamang, anang abogado, mayroong territoriality doctrine sa ilalim ng Revised Penal Code at wala tayong hurisdiksyon sa mga kaso o krimen na nagawa sa labas ng bansa kaya’t magiging test case ito. “Meaning, dapat nandito yung offender at yung offended party. Dito ginawa yung krimen. That’s how it goes.”

Sakali mang magsampa si Piolo, nakadepende na umano ito sa gagawin ng Korte Suprema. “Yun ang question ngayon diyan—how the Supreme Court will rule on that. So that’s a gray area because it hasn’t been done yet. Yun ang kulang natin.”

Sa kabila nito, naniniwala ang legal expert na hindi na ito pag-aaksayahan pa ng panahon ni Piolo.

Namagitan noon kay Rustom Padilla at isang popular na aktor, ibinulgar ni BB Gandanghari

Naging kontrobersyal ang pahayag ni BB sa kanyang vlog na pinamagatang “I Left My Heart In San Francisco” kung saan inilahad niya ang romantic encounter.

Screenshot mula sa vlog ni BB Gandanghari

Itinago niya sa pangalang David at Jonathan ang dalawa pero habang patuloy siyang nagkukuwento ay makailang nabanggit ang pangalan ni Piolo.

Bahagi ng kanyang kuwento, “Nagtanong si Rustom, ‘Saan ang restroom?’ Sa taas daw. So, umakyat, pasok sa restroom, weewee. Then, lumabas ng bathroom, pagbukas niya ng pinto, nandoon si Jonathan. And then we kissed.”

Loading…