Plane passenger pinatagal ng 4 hours ang pag-ubos ng Pringles upang maiwasang magsuot ng face mask

Imahe mula sa Pringles/Marketing Week
  • Pinatagal ng isang plane passenger ang pag-ubos sa isang tube ng Pringles upang maiwasan niya na magsuot ng face mask
  • Required ang pagsusuot ng face mask kapag nasa flight maliban na lang kapag kumakain at umiinom
  • Nilinaw ng pasahero na ginawa niya iyon bilang katuwaan lang at hindi dahil anti-masker siya

Nakaisip ng paraan ang isang pasahero ng eroplano upang hindi magsuot ng face mask habang nasa flight ng Easyjet patungo sa Tenerife, isang malaking isla sa Spain.

Imahe mula kay Michael Richards

Ayon sa pasaherong si Michael Richards, ginawa lang niya iyon bilang katuwaan at hindi dahil isa siyang anti-masker.

Tulad ng ibang airlines ngayong panahon ng pandemya, ang Easyjet ay may patakaran din na ipinatutupad sa mga pasahero na kailangan ng mga itong magsuot ng face mask kapag nasa airport, sa airport gate habang hinihintay ang flight at kapag sasakay na sa eroplano.

Maaari lang tanggalin ng pasahero ang face mask habang nasa flight kapag kumakain at umiinom.

Nang sumakay si Michael Richards sa kanyang flight mula Manchester patungong Tenerife ay naisip niya kung gaano katagal niyang magagawa na hindi magsuot ng face mask. Naisip niyang kaya niyang patagalin ng hanggang apat na oras ang pag-ubos sa isang tube ng Pringles.

“I was just sitting on the plane and I thought I could make these Pringles last four hours. I calculated that there’s about 100 Pringles in a tube and you get away with eating a Pringle for about two-and-a-half minutes,” ani Richards.

Imahe mula kay Michael Richards

Aniya, sa buong flight ay 10 minutes lang daw niya isinuot ang face mask – noong magtungo siya sa toilet at nang tumayo siya upang kunin ang luggage niya sa over-head carrier.

“It was basically making the point to say that you don’t need to wear a face mask if you’re eating or drinking – that’s the moral of the story. I’m not anti-mask, I don’t mind wearing a face mask. A lot of people are depressed at this time and I like being funny and making people laugh,” paglilinaw niya.

Maraming naaaliw nang ibahagi niya sa Facebook ang ginawa, pero meron ding hindi.

“Glad I was not on the plane,” sabi ng isang social media user.

Nagpaliwanag naman ang Easyjet na malinaw ang ginagawa nilang pagbibigay ng abiso sa mga pasahero tungkol sa pagsusuot ng face mask. Ayon sa kumpanya, wala naman silang natanggap na reklamo hinggil sa ginawa ni Mr. Richards.

Imahe mula sa Marketing Week

Loading…