PLDT nagsadya sa bahay ni Liza Soberano matapos nitong ireklamo ang kanyang ISP

  • Ibinalita ni Liza Soberano na nagtungo ang PLDT sa kanilang bahay matapos niyang ireklamo ang serbisyo ng Converge ICT Solutions, Inc. via Twitter
  • Napa-“sana all” na lamang ang mga netizens dahil sa mabilis na pag-aksyon ng PLDT kay Liza
  • Nilinaw niya sa mga netizens na wala siyang intensyong masama sa kaniyang pagpo-post hinggil dito

Matapos ipahayag ang pagkadismaya sa kaniyang ISP o Internet Service Provider, agad  na nagsadya umano ang PLDT sa tahanan ng Kapamilya actress na si Liza Soberano upang ialok dito ang kanilang serbisyo; bagay na kaniya namang pinagbigyan.

Ayon sa Twitter post ni Liza nitong Setyembre 8, 2020, inihain ng PLDT sa kaniya ang pinakamagandang internet service na maaari nilang maibigay. Kaya hindi na raw niya kilala si “Lag” o tawag sa pagkaka-disconnect dahil sa mababang kalidad ng internet connection.

Imahe mula sa Twitter account ni Liza Soberano

“Okay so @PLDT came to my house yesterday and hooked me up with the best internet I have ever experienced in my whole 5 years of living in this house. 300 MBPS. What a lifesaver. Lag? I don’t know her,” ayon sa kaniyang tweet.

Nagbigay naman ng reaksyon ang mga netizens hinggil dito, lalo na ang mga netizens na matagal nang may pending application sa PLDT, at hanggang ngayon ay hindi pa rin napupuntahan o napoproseso.

“Sana all si Liza! Samantalang kaming mga ordinaryong mamamayan na kailangang-kailangan sa work-from-home o kaya online class, wala man lang paramdam ang PLDT? May pambayad naman din po kami ah,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Unfair naman! Isang rant lang ng sikat na artista, mas mabilis pa sa alas kuwatro ang pagresponde ng PLDT, pero sa iba, ilang buwan na wala pa rin?”

“I hope hindi lang sa mga public figures maganda services ng mga ganiyan just for the sake of marketing. Lahat naman nagbabayad kay PLDT kaso minsan lugi sa lugar,” wika naman ng isa.

Sa isa pang Twitter post nito namang Setyembre 9, 2020, sinabi ni Liza na huwag sanang magalit ang mga netizens sa kaniya. Hindi umano niya kasalanan kung mabagal o hindi maganda ang serbisyong ibinibigay ng kanilang ISP sa kanila. Ang intensyon lamang daw ng kaniyang mga tweets ay ipahayag ang kaniyang nararanasan hinggil sa internet connection, at relief na idinulot sa kaniya ng PLDT.

Public Domain Image

“I stumbled upon a few tweets from people who are upset and find my tweet about having fast internet offensive. I’m sorry your telecommunications provider isn’t taking care of your problems. In no way was it my intention to brag. I was just genuinely relieved to finally —-” aniya.

Dagdag pa niya sa isang pang hiwalay na Twitter post, “Have fast internet. I know it’s a problem we are all struggling with now. So please, to all the internet providers please do your best to help people out especially at a time like this when internet has become an essential. We’re all trying to survive and get school and work done.”

Sa ngayon, mahalagang-mahalaga ang internet connection lalo na’t karamihan ay nasa work-from-home scheme at malapit na ring magbukas ang mga online classes sa pampublikong paaralan.

Loading…