PNP chief Cascolan kay Gen. Sinas: ‘He deserves a promotion, has done his job well’

Screenshot mula sa YT video ng ANC
  • Ipinagtanggol ni PNP chief Cascolan si Sinas at sinabing posible pa itong ma-promote
  • Maayos naman umano ang naging trabaho ni Sinas bilang hepe ng NCRPO
  • Mas gusto rin daw niyang kapalit ni Sinas si Calabarzon chief Brig. Gen. Vicente Danao

Malaki ang posibilidad na ma-promote sa kaniyang posisyon si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Debold Sinas; ito ang inamin ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Camilo Cascolan sa mga mamamahayag.

Ayon kay Cascolan, naging maayos naman si Sinas sa pagpapatupad ng kaniyang tungkulin bilang hepe ng NCRPO. Ito ay sa kabila ng kontrobersiyal na ‘mañanita incident’ sa kaarawan ni Sinas noong Mayo.

Gen. Sinas| Imahe mula sa PNA

“All officers deserve promotion, most especially General Sinas [who] did his job well. There may be some flaws or lapses on his part [but] in the evaluation alone, he has done his job well,” ani Cascolan sa panayam ng mga reporters sa Camp Crame nitong Miyerkules.

Muli itong iginiit ng PNP chief sa panayam ni Karen Davila sa ANC.

“We have to evaluate him properly. The guy deserves also an evaluation and of course, a promotion, too,” wika ni Cascolan.

Posible umanong maipuwesto si Sinas sa mga directorial post pagkat magaling ito sa pagti-train ng mga baguhang pulis.

“I think he has to be up at the Directorial Staff or a certain position that is for most especially for him… He is an expert most especially with regard to training of personnel and training of recruits,” paliwang pa ng opisyal.

Gen. Danao| Screnshot mula sa YT video ng ANC

Samantala, maaari naman daw ipalit kay Sinas sa NCRPO si Calabarzon police chief Brig. Gen. Vicente Danao Jr. Si Danao ay naging hepe ng pulis sa Davao City at Manila at kilalang malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“He is doing good. He did his best and he’s done good in PRO-4A. He has a reputation in the service and he is a very competent person, too,” ani Cascolan patungkol kay Danao.

Bagama’t may usap-usapan na maaaring mapunta si Danao sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), mas nais daw ni Cascolan na pamunuan nito ang NCRPO.

Loading…