PNPA patuloy ang lockdown matapos tamaan ng COVID ang 232 cadets, 11 personnel

Imahe mula sa PNPA Facebook
  • Umabot na sa 232 ang bilang ng kadete ng PNPA na dinapuan ng COVID
  • Maliban dito, mayroon ding 11 personnel ang nagpositibo sa virus
  • Dahil dito patuloy ang lockdown sa loob ng PNPA, ayon sa isang opisyal

Umabot na sa mahigit 200 katao ang dinapuan ng coronavirus sa loob ng Philippine National Police Academy (PNPA) sa Silang, Cavite; ito ang kinumpirma ni PNPA director Major Gen. Gilberto Cruz sa isang pahayag nitong Lunes.

Ito rin umano ang dahilan kaya patuloy na sasailalim sa mahigpit na lockdown ang academy na nagsimula pa noong Setyembre 3 matapos dapuan ng virus ang ilang kadete. Magtatagal ang lockdown hanggang Setyembre 18 base sa naunang pahayag ng PNPA.

PNPA director Major Gen. Gilberto Cruz| Imahe mula sa Gilbert Cruz WP

Ayon kay Cruz, umabot na sa 232 ang bilang ng cadets at 11 naman ang personnel na nagpositibo sa virus. Lahat sila umano ay nasa limang isolation facilities na sa loob ng kampo.

“Our health frontliners are now strictly monitoring these cadets and personnel on these recovery areas. As of writing, there is no recorded increase of COVID-19 case,” pagtitiyak ng opisyal.

Nagsagawa ang PNPA ng 1,406 confirmatory tests at dito lumabas ang mga nagpositibo na pawing mga asymptomatic.

Imahe mula sa PNPA Facebook

Sa kasalukuyan, namahagi na ang pamunuang academy ng 16,000 face masks, 1,100 carry-on canisters,  alcohol, face shield at sanitizers sa bawat kadete. Bukod dito, namigay na rin umano sila ng 11,000 capsules ng Vitamin C para sa 14 na araw na quarantine period.

Tiniyak naman ni Cruz na patuloy ang kanilang masusing pagmamanman at pagsusuri sa mga naapektuhang kadete.

“We assure the families and loved ones of the cadets that they are in good hands and their wellness will always be our paramount consideration. We also thank our generous donors for the countless blessings that were shared, words cannot express our appreciation,” wika ng opisyal.

Loading…