Pokwang na bill shock rin sa bayaring P131K sa Meralco: “Ano kami, pabrika?”

Screenshot mula sa PokLee Cooking Official YT video
  • Kabilang na si Pokwang sa mga na-bill shock sa bayarin sa kuryente
  • Umabot kasi sa mahigit P131,000 ang kanilang Meralco bill sa loob ng apat na buwan
  • Sumagot naman agad ang Meralco sa Twitter post ng comedian-host

Dismayado ang komedyanteng si Pokwang matapos matanggap ang kanilang Meralco billing sa loob ng apat na buwan na umabot sa mahigit P131,000.

Sa isang Twitter post idinaan ni Pokwang ang kaniyang pagkagulat sa billing at humingi ito ng paliwanag sa higanteng power distribution company.

Umabot kasi sa P131,312 ang kanilang bayarin sa kuryente sa loob lamang ng apat buwan.

Screenshot mula sa
PokLee Cooking Official YT video

“May iba pa bang hotline ang Meralco Masinag? wala sumasagot at di sinasagot mga tawag…” tweet ng comedian-host noong Sabado.

“[Na]ng hula lang ata sila ng computation …4 na buwan P131,312.00, ano kami pabrika?” dagdag pa nito.

Kaaagad namang nakisimpatiya ang mga netizen sa reklamo ng aktres. Anang karamihan, maging sila man daw ay biktima rin ng ‘bill shock’ ng Meralco nitong nagdaang lockdown.

Samantala, sinagot naman si Pokwang ng Meralco at sinabing nagpadala na ito ng direct message sa kaniya upang linawin ang isyu.

Imahe mula sa Facebook ni Pokwang

Noong Hunyo, nagreklamo rin sa social media si Richard Yap matapos lumobo sa P55,000 ang kanilang bayarin sa kuryente. Ayon kay Sir Chief, mukhang natriple pa ang billing nila sa kabila ng pagbabayad nito buwan-buwan.

Tulad ni Pokwang, nakatanggap din kaaagad ng mensahe si Yap mula sa Meralco upang magbigay ng paliwanag.

Pinutakte ng reklamo ang Meralco dahil sa pagtaas ng konsumo ng mga kustomer nitong nagdaang apat na buwan habang naka-lockdown ang Metro Manila. Hindi rin naipaliwanag nang maayos ng kumpanya ang kanilang tinatawag na ‘estimated bill’ na nagdulot ng kalituhan.

Dahil dito, pinagbabayad ng Energy Regulation Commission (ERC) ang electric company ng halagang P19-M bilang multa sa hindi naipaliwanag na ‘bill shock’.

Loading…