Pope Francis lumabas at nagbigay ng mensahe ng pag-asa kontra COVID-19

  • Sa kauna-unahang pagkakataon matapos lumaganap ang pandemya, nagsagawa ng weekly general audience sa Vatican ang Santo Papa na si Pope Francis
  • Ipinagdarasal niya umano ang kagalingan ng daigdig laban sa pandemyang COVID-19
  • Natuwa ang Santo Papa dahil muli niyang nakita nang harapan ang mga tao

Simula nang sumiklab ang COVID-19 sa buong daidig, sa kauna-unahang pagkakataon ay muling lumabas ang Santo Papa ng Simbahang Katoliko na si Pope Francis at nagsagawa ng kanyang unang weekly general audience sa Vatican kasama ang publiko.

“After so many months, we resume our encounters face to face and not screen to screen, face to face, and this is beautiful,” pahayag niya. Tiniyak naman niyang nakasuot ng face mask at dumaan sa temperature check ang mga bisita.

Public Domain Image

“All humanity, has its common origin in God. We dwell together in our common home, a garden-planet where God has placed us, and we have a common destination in Christ,” ani Pope Francis.

Dagdag pa niya, “But when we forget all this, our interdependence becomes dependence of some on others… increasing inequality and marginalization; it weakens the social fabric and the environment deteriorates.”

Isinagawa niya ang pagbibigay ng banal na mensahe sa San Damaso courtyard ng Apostolic Palace.

Simula noong Marso 11, idinaraan sa livestreaming ng Santo Papa ang paghahatid niya ng Mabuting Balita dahil na rin sa pandemya. Nasa kaniyang tabi naman ang mga katuwang na nagbabasa ng Scriptures at nagbubuod ng kaniyang mensahe sa iba’t ibang wika.

Noong Mayo 30, pinangunahan ni Pope Francis ang pagdarasal ng rosaryo upang manalangin kay Inang Maria upang humingi ng proteksyon laban sa COVID-19 (SARS-CoV-2).

Nagdasal mismo ang Santo Papa sa replica ng Lourdes Grotto sa Vatican Gardens kasama ng iba pang mga lalaki at babae ng simbahan.

Public Domain Image

“At the feet of Mary, the Holy Father will place the many troubles and sorrows of humanity, further worsened by the spread of COVID-19,” ayon sa pahayag na inilabas ng Pontifical Council for Promoting New Evangelization.

Sa Pilipinas, bagama’t limitado pa rin ang paglabas ng mga tao para magtungo sa mga religious gatherings, hinihikayat pa rin ng mga lider-panrelihiyon ang regular na pagdarasal sa Diyos upang tuluyan nang gumaling ang daigdig laban sa pandemya.

Loading…