Propesor ipinagmalaki ang kaniyang mag-aaral na service crew na dumadalo pa rin sa online class

  • Hindi napigilan ng isang propesor na maipagmalaki ang kaniyang mag-aaral na nagtatrabaho bilang service crew sa isang sikat na fast food chain
  • Makikita kasing habang break o wala pa siyang ginagawa sa kaniyang trabaho ay nakaharap siya sa cellphone at dumadalo sa online class
  • Umani naman ito ng positibong reaksyon mula sa mga netizens

Ipinagmalaki ng isang propesor ang kaniyang mag-aaral na isang working student sa ipinakita nitong pagsusumikap na mapagsabay ang pagtatrabaho bilang service crew sa isang sikat na fast food chain at kumasa sa hamon ng pagdalo sa online class bilang makabagong modality ng pagtuturo at pagkatuto sa panahon ng pandemya.

Ayon sa Facebook post ng propesor na si Archy Harry Figueroa, ang masipag na working student ay si Jan Dominique A. Agravante, graduating student na may kursong Business Administration major in Marketing Management sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina. Ibinahagi kasi ng kaibigan ng masipag na working student na si Raymart Blanco ang kasipagan nito, na talaga namang hinangaan ng mga netizens.

Imahe mula sa Facebook account ni Jan Dominique Agravante / Archy Harry Figueroa

“Bakit siya… walang panahon para magreklamo, walang panahon para mapagod, walang panahon para sabihing absent sa online class dahil may work siya… bakit siya nakakagawa nang paraan? Bakit siya? Meron lang siyang PANAHON PARA SA KANYANG PANGARAP,” ayon sa propesor.

Kaya naman saludo ang propesor sa kaniyang masipag at masikap na mag-aaral, na kahit naka-duty sa trabaho ay pinipili pa ring makapasok sa online class. Dahil dito, may pangako ang propesor para kay Jan at sa iba pang mga mag-aaral.

Lalo naming pagbubutihan na mga GURO mo sa PAMANTASAN para pagbutihan ang PAGTUTURO lalo na sa panahong ito na lahat ay nag-aadjust. Pinamulat mo sa amin na WALANG PANAHON MAGREKLAMO PARA SA PANGARAP (Naiyak ako… meaningful yung litrato kasi talagang student ko siya sa PLMar).”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.

Sabi ng isa, “She is a model student, someone who sees opportunity even in trying situations. Keep it up…you will be where you want to be. I am proud of you.”

Imahe mula sa Facebook account ni Jan Dominique Agravante

“Truly commendable! But let’s also not shame those who don’t have flexible work schedules and understanding employers, those who can barely buy load or have good internet connection, those who wish to attend their classes but circumstances make them difficult to do so,” pahayag naman ng isa.

Wika naman ng isa, “I salute you, laban lang kagaya ko na working student!”

Saludo kami sa iyong sipag, tiyaga, at determinasyon, Jan! Ipagpatuloy mo lamang iyan dahil tiyak na malayo ang iyong mararating!

Loading…