Prusisyon ng Black Nazarene sa Quiapo sa gitna ng pandemya iniimbestigahan

Imahe mula sa Quiapo Church Facebook page
  • Organizers at participants sa prusisyon ng Itim na Nazareno sa Quiapo iniimbestigahan
  • Tinitingnan ng MPD kung may nilabag na quarantine health guidelines ang prusisyon
  • Ang prusisyon ng imahen ay ginawa kasabay ng pagdiriwang ng “Pagtatampok sa Krus na Banal”

Iniimbestigahan ng Manila Police District (MPD) ang organizers at participants ng isinagawang prusisyon ng Black Nazarene sa palibot ng Quiapo noong Lunes, ika-14 ng Setyembre, kung lumabag sila sa COVID-19 health guidelines.

Lt. Gen. Eleazar| Imahe mula sa Facebook

Ipinahayag ni Joint Task Force COVID Shield commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar na gagawa sila ng karampatang aksyon kung mapatutunayang may mga paglabag na nagawa.

“Base sa ating panuntunan, nagko-conduct sila (MPD) ng imbestigasyon. At kagaya ng sinabi natin, upon investigation at kapag may nalamang paglabag ay may appropriate action na gagawin,” ni Lt. Gen. Eleazar.

Kakasuhan umano ang mapatutunayang lumabag.

“Kung makakakuha ng sapat na ebidensya depende sa resulta ng investigation pwede file-an ng kaso ‘yung mananagot,” aniya.

Ayon pa sa opisyal, maganda man ang intensyon ng prusisyon ay tila taliwas ito sa patakarang ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na ipinagbabawal ang mass gathering na hihigit sa sampung tao.

Imahe mula sa Quiapo Church Facebook page

“While it is true na maganda ‘yung intention at nabanggit na nilagay sa karosa para iikot na lang pero ang nangyari siyempre kapag nilabas, magsusunuran ‘yan (mga deboto),” paliwanag ni Eleazar.

Ang imahe ay iprinusisyon bilang panawagan sa Poong Nazareno na mawala na ang coronavirus, hindi lang dito sa bansa kundi sa buong mundo, ayon kay Fr. Douglas Badong, ang parochial vicar ng Quiapo Church.

Imahe mula sa Quiapo Church Facebook page

“Parang pagsumamo sa Nazareno mawala na ang virus na ito. Ito naman ay prayer sa lahat, sa buong mundo. ‘Di lang sa Pilipinas. Kasi dati, mga sinauna, kapag may mga pandemic isang paraan na ginagawa ang procession,” anang pari.

Ang prusisyon ng Itim na Nazareno ay ginawa kasabay ng pagdiriwang ng “Pagtatampok sa Krus na Banal” na dinaluhan ng mga Hijos Del Nazareno.

Imahe mula sa Quiapo Church Facebook page

Loading…