PuriCare Wearable Air Purifier na face mask inimbento sa South Korea

  • May bagong produkto ang LG Electronics
  • Ito ay PuriCare Wearable Air Purifier
  • Sagot ito sa pamumuo ng fog sa eyeglasses at hirap sa paghinga kapag may face mask

Isa ka rin ba sa mga taong nahihirapang huminga o naiirita dahil lumalabo ang suot na eye glasses dulot ng moisture dulot ng pagsusuot ng face mask?

Patok ang bagong imbensyon ng LG Electronics na battery-powered at filtered na face mask sa South Korea. Tinawag nila itong PuriCare Wearable Air Purifier na kasimbigat ng ski goggles.

Imahe mula sa LG Newsroom

“LG PuriCare Wearable Air Purifier resolves the dilemma of homemade masks being of inconsistent quality and disposal masks being in short supply. The PuriCare Wearable Air Purifier employs two H13 HEPA filters, similar to the filters used in the company’s home air purifier products,” anila.

Nagtataglay ito ng dalawang fans at high-efficiency particle air filters na naglilinis at nagsasala ng hanging pumapasok sa face mask at ng hanging ibinubuga ng taong gumagamit

Ginawa ito upang matugunan ang mga nagiging problema sa pagsusuot ng face mask, gaya ng hirap sa paghinga at pagdudulot ng fog sa mga eye glasses at face shields. Mahalagang kasuotan na ngayon ang face mask bilang isa sa mga ipinatutupad na health protocols upang maiwasang mahawa at makahawa ng COVID-19, at iba pang sakit sa kabuoan.

“The PuriCare Wearable Air Purifier is an exciting addition to our growing lineup of products designed to deliver meaningful health and hygiene benefits,” ayon kay Dan Song, presidente ng LG Electronics Home Appliance ang Air Solution Company.

Imahe mula sa LG Electronics

Umani naman ito ng reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Medyo mahal nga lang pero ganoon talaga. They have to cater to the needs of the people, at the same time, kikita sila. Layunin ng LG Electronics na maging comfortable ang gagamit ng mask kumpara sa regular mask, mayroon itong air filter,” turan ng isa.

Wika naman ng isa, “Sana may stock o available na rito sa bansa!”

Samantala, wala pa namang balita kung available o mabibili na ito sa Pilipinas.

Loading…