QR code ilalagay sa mga establishments, PUVs para sa mas madaling contact tracing

Imahe mula sa Hospitality Technology
  • Maglalagay ng QR codes sa mga establishments at PUVs para sa mas mabilis na contact tracing
  • Gamit ang smartphone, kukunan lang ng litrato ang QR code upang mai-direct sa Stay Safe app
  • Sa pamamagitan nito ay maiiwasan na ang mano-manong pagtatala ng impormasyon mula sa publiko na posible pang maging sanhi ng COVID-19 transmission

Gagawing available ang quick response (QR) codes sa mga establishments tulad ng malls, banks at restaurants at maging sa mga pampublikong sasakyan upang  lalong mapaigi ang contact tracing ng mga taong posibleng na-expose sa COVID-19.

Imahe mula sa iNews

Ayon kay Testing czar and deputy implementer ng National Task Force on COVID-19 na si Vince Dizon, makatutulong ang QR code upang maalis na ang mano-manong pagtatala ng mga impormasyon mula sa publiko na posible pang magsanhi ng COVID-19 transmission.

“Pagkapasok mo sa isang mall, kailangan mo lang gamitin ang iyong camera sa iyong cellphone, kunan ang QR code and then idi-direct ka na niya sa StaySafe,” sabi ni Dizon.

“Magagawa mo na magregister at ibigay ang iyong detalye para ma-contact trace ng mga establishments at ng integrated system,” paliwanag niya.

Ang mga public buses at lahat ng istasyon ng Light Rail Transit ay lalagyan ng QR codes para ma-contact ang mga pasahero kung kakailanganin.

“Ideally, dapat sa lahat, every public facility lalo na sa public transport ay dapat meron,” sagot ni Dizon nang tanunginkung main gang mga jeepney at tricycles ay lalagyan ng QR codes.

Imahe mula sa Hospitality Technology

Tiniyak ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, ang contact tracing czar ng bansa, na ligtas gamitin ang Stay Safe Ph app.

“It is fully secured na I’m pretty sure mayroon na silang security features na nilagay sa system and pinag-aralan naman e, ibig kong sabihin it underwent a very meticulous na evaluation ng DICT (Department of Information and Communication Technology) especially focusing on security of data,” ani Mayor Magalong.

Sinabi ni Dizon na tanging ang gobyerno lang ang makaka-access sa mga datos na ipapasok sa Stay Safe app.

Alamin sa video kung ano ang Stay Safe app:

Source :

Inquirer, YouTube

Loading…