Ramon Ang magpapatayo ng malaking research hospital para sa mga infectious diseases

Imahe mula sa BizNewsAsia
  • Magpapatayo si RSA ng isang modernong research hospital na tututok sa mga nakahahawang sakit
  • Itatayo umano ito sa isang malaking lupain sa Southern Luzon
  • Bahagi rin ang proyekto ng pangako ni Ang na tulungang makabangon ang ekonomiya ng bansa mula sa epekto ng pandemya

Magpapatayo si San Miguel Corp (SMC)  president and chief operating officer (COO) Ramon S. Ang ng isang malaking research hospital na tututok sa pagsasaliksik tungkol sa mga nakahahawang sakit o infectious diseases matapos ang naging karanasan ng mundo mula sa coronavirus pandemic.

Ang naturang proyekto na isang 500-bed capacity hospital ay planong itayo ng RSA Foundation sa tatlo hanggang limang ektaryang lupain sa Katimugang Luzon bagama’t hindi pa naibabahagi ang eksaktong lokasyon nito.

Imahe mula sa Facebook-SMC

“This pandemic has been an eye-opener for all of us. Our healthcare system needs to be strengthened. For this reason, we want to help build up our country’s capability to handle future pandemics and other health crises,” ayon kay Ang.

Inaasahang malaking tulong ang planong research hub para sa mga darating pang krisis katulad ng kasalukuyang pandemya na pinagdadaanan ng mga bansa sa daigdig.

Magsisilbi umano itong ‘future-proof’ at “sustainably-designed” na kayang mag-operate nang maayos kahit pa nasa gitna ng krisis, ayon sa business tycoon.

SMC Building| Imahe mula sa SMC webiste

“We envision this hospital to be resilient and adaptable. It will operate efficiently, improve health services, and make health care more accessible and affordable to a greater number of Filipinos,” wika ni Ang.

Pagtutuunan din ng pansin ng itatayong ospital ang mga ‘ambulatory patients’ o outpatients upang mas maraming maserbisyuhang pasyente mula sa mga mahihirap na komunidad. Mayroon din itong research facility na magbibigay ng suporta sa gobyerno pagdating sa mga isyu ng kalusugan, lalo na ang mga nakahahawang sakit.

Bukod dito, ang naturang proyekto ay bahagi rin ng pangako ni Ang na magtayo ng mga imprastraktura na agad magbibigay ng trabaho sa mga Pilipino upang tulungan makabangon ang eknomiya ng bansa mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Loading…