Regine Velasquez nagsisisi nga ba sa paglipat sa ABS-CBN?

  • Hindi nagsisisi si Regine Velasquez sa kaniyang paglipat sa ABS-CBN
  • Nakabalik daw siya sa kaniyang pinakamahahal na gawain—ang pagkanta
  • Iyan ang sinabi niya sa isang panayam

Wala umanong pagsisisi si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa ginawa niyang paglipat ng panibagong “pugad” noong 2018, nang lisanin niya ang GMA Network na nagkanlong sa kaniya sa loob ng maraming mga taon, patungo sa ABS-CBN.

Ayon sa panayam kay Songbird sa YouTube channel na “”Live With G3” ni G3 San Diego, hindi raw niya pinagsisihan at hindi niya pagsisisihan ang ginawa niyang paglipat sa ABS-CBN dahil nakabalik umano siya sa pag-awit.

Image capture mula sa YouTube channel ni G3 San Diego

“It was my decision to go back to ABS, because I wanted to experience something else, something new. I wanted to work with the people that I used to work with before but was not able to anymore because of the whole GMA-ABS thing. I just wanted to experience that,” ayon sa kaniya.

Iginiit ni Regine na malaki ang pasasalamat niya sa mga nagawa at naranasan niya sa Kapamilya, na kahit wala na sa free TV, ay napapanood pa rin sa iba’t ibang mga platforms kagaya ng cable TV, social media, at online streaming applications.

Nakatulong daw sa kaniya ang pagkanta sa musical variety show na “ASAP Natin ‘To” dahil marami siyang numbers na ginagawa dito, at nakakatrabaho pa niya ang mga magagaling na mang-aawit ng bansa.

“When I came back to ABS-CBN, I was given ‘ASAP.’ I became part of this whole family na in the beginning I thought I would have a hard time but then they just welcomed me with open arms. Everybody just welcomed me and I had a wonderful time,” ani Regine.

Dagdag pa niya, “I am still having a wonderful time even though wala na kami sa free TV. But whenever we see each other and kapag magte-taping kami or magla-live kami, we are just so happy to be back on stage and to be able to sing to each other. It’s a wonderful feeling.”

May mensahe naman si Queen Regine sa kaniyang mga tagahanga; na matatapos din ang lahat ng ito. Aniya, patuloy lamang sa pananalangin dahil wala namang pagsubok na hindi nagwawakas.

“Siguro damihan pa natin ‘yung prayers, wala namang problema na hindi natatapos, walang pagsubok na hindi natatapos. This will also end. We don’t know when and how but definitely it will end,” aniya.

Noong Oktubre 2018, lumipat ang Songbird sa ABS-CBN. Sinalubong siya ng mga “Kapamilya” with matching red carpet pa.

Panoorin ang naging panayam kay Asia’s Songbird Queen Regine Velasquez-Alcasid via YouTube Channel:

Loading…