Reporters humapdi ang mga mata matapos ma-expose sa UV light robot na idine-demo sa Baguio

Screenshot mula sa video ng 24 Oras
  • Isang robot na naglalabas ng UV rays ang iprinisinta sa media sa Baguio City
  • Ang robot na ginagamit para sa disinfection ay kaya umanong pumuksa ng mga mikrobyo kabilang ang SARS-CoV-2 na nagdudulot ng COVID-19
  • Nakaranas ng eye irritation ang ilang mamamahayag matapos ma-expose sa UV rays mula sa robot

Isang robot na naglalabas ng ultraviolet (UV) rays na kaya umanong pumuksa ng mga mikrobyo, kabilang ang SARS-CoV-2 na nagdudulot ng COVID-19, ang iprinisinta sa media ng Robotic Activation, ang kumpanya mula sa Denmark na nag-develop sa disinfection robot.

Screenshot mula sa video ng 24 Oras

Ngunit ilang oras matapos ang presentasyon ng UV robot sa Baguio City  ilang miyembro ng media ang nakaranas  ng eye irritation dahil sa exposure sa UV rays.

“Hindi ko na maidilat. ‘Pag dinidilat ko siya nakikita ko puro puti lang. Hinilamusan ko nang hinilamusan ng tubig, wala pa rin talaga,” ayon sa isang miyembro ng GMA News team.

Ayon naman sa isa pang miyembro ng news team, “May something na para siyang mabuhangin sa loob na ayaw dumilat, and then at the same time, meron siyang mga parang bubog sa mata.”

Ayon sa isang ophthalmologist ay Photokeratitis ang naranasan ng mga mamamahayag. Isa umano itong mahapding eye condition na nangyayari kapag na-expose ang mata sa UV rays na maaaring mula sa araw o sa man-made source gaya ng Keno UVC robot.

Humingi na ng paumanhin sa mga biktima ang Robotics Activations business development chief sa si Camille Anton.

Screenshot mula sa video ng 24 Oras

“We sincerely thought we had exercised enough precautions, when the press asked to switch the robot on, but it turns out we didn’t. We extend our apologies to the members of the press who were affected, and are updating our protocols to make sure that this not happen again, moving forward. The discomfort from the UV exposure is real, but is supposed to be temporary, by all accounts. We remain in contact with those affected to ensure that this is the case,” aniya.

Sa kabila ng insidente, buo pa rin ang pasya ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na bumili ng UVC robot upang magamit sa disinfection ng mga pasilidad para matiyak na hindi na kumalat ang COVID-19. Inako rin ng alkalde ang responsibilidad at humingi ng paumanhin dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

Screenshot mula sa video ng 24 Oras

Loading…