Restaurant sa Japan gumagamit ng mga macho bodybuilders para mag-deliver ng sushi sa customers

Screenshot mula sa Reuters video
  • May kakaibang gimik ang isang sushi restaurant sa Japan upang pasiglahin ang negosyong naapektuhan ng pandemya
  • Nag-hire ng bodybuilders ang restaurant owner bilang delivery staff
  • Tinawag na “Delivery Macho” ang serbisyo ng Imazushi Restaurant na patok ngayon sa Japan

Lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic ang mga negosyo sa lahat ng panig ng mundo. Kabilang sa mga sector na pinadapa ng pandemya ay ang restaurant at food industry, na ngayon ay gumagawa ng mga bagong pamamaraan upang mapagsilbihan ang mga customers.

Imahe mula sa Bangkok Post

Dahil sa mga ipinatutupad na health protocols ay mahina ang dine-in services ng mga eatery kaya ang karaniwan nang ginagawa ngayon ng mga restaurant para kumita ay home deliveries.

Isang Sushi restaurant sa Anjo, Aichi Prefecture Nagoya, Japan ang nakaisip ng kakaibang gimik para mai-deliver sa customers ang mga order na pagkain. Nag-hire ang may-ari nito ng mga bodybuilders para maging delivery boys.

Tanyag ngayon sa Japan ang serbisyo ng Imazushi Restaurant na tinawag na “Delivery Macho.” Ang ideya ay naisip ng restaurant owner na si Masanori Siguira, chef na  isa ring professional bodybuilder na lumalahok sa mga kompetisyon.

Si Masanori ay personal ding nagde-deliver ng mga order ng mga customer niya. Kinuha rin niyang delivery staff ang mga kaibigang nagta-trabaho sa mga fitness gyms na nawalan ngayon ng trabaho dahil sa health crisis.

Screenshot mula sa Reuters video

Para maranasan ang Delivery Macho, kailangang mag-order ng pagkain na nagkakahalaga ng at least 7,000 yens o katumbas ng P3,209.

Pumatok ang gimik ni chef Masanori kaya naman nakakasampung orders sila sa isang araw at kumikita ng 1.5 million yen a month mula sa Delivery Macho service.

Sa ngayon ay naghahanap pa si Masanori ng mga bodybuilders para mag-deliver ng sushi sa mga customers sa Tokyo.

Screenshot mula sa Reuters video

Loading…