Rica Peralejo may payo sa pamangking si Heaven kaugnay sa isyu ng pinansiyal na ‘tulong’ umano ni Jinkee

Imahe mula sa Spot.ph/ Instagram
  • May payo si Rica Peralejo sa kaniyang pamangkin at inaanak na si Heaven
  • Ito ay matapos ang isyu ng ‘tulong’ umano ng pamliya Pacquiao na isinulat ni Lolit Solis
  • Ani Rica, kinalaunan ay tatawanan na lamang ni Heaven ang mga katulad na kontrobersiya

May unsolicited advice si Rica Peralejo sa pamangkin niyang si Heaven matapos ang kontrobersiya hinggil sa diumano’y paghingi ng tulong ng huli sa pamilya Pacquiao na kinalaunan ay lumabas na hindi naman pala totoo.

Magugunitang nabahiran ang imahe ni Heaven matapos i-post ni Lolit Solis na binigyan daw si Heaven ng P100,000 bilang tulong ni Jinkee Pacquiao; ang mommy ng kaniyang dating boyfriend na si Jimuel.

Imahe mula sa Smart Parenting

Kaagad itong pinasinungalingan nina Jinkee at Jimuel at humingi na rin ng paumanhin si Lolit dahil sa maling impormasyong naikalat niya at inaming nabasa lang pala niya sa ibang website.

Samantala, sa panayam ng kolumnistang si Jun Lalin ng Abante, sinabi ni Rica Peralejo na hindi lang niya pamangkin kung hindi inaanak pa niya si Heaven.

“Mabait na bata ‘yan. Pareho sila ng Mommy niya, sweet,” bahagi ng dating teen actress.

Tungkol naman sa isyu na diumano’y paghingi ng tulong ni Heaven sa pamilya Pacquiao, inamin ni Rica na wala siyang alam tungkol dito at nito lamang niya nalaman.

“Hindi ako naloka. Kasi hindi ko naman alam ang issue na ‘yan. Actually, sa’yo ko lang narinig. Hindi ko naman siya nakakausap sa mga issue,” paliwanag ng dating bituin ng T.G.I.S.

Gayun pa man, may payo si Rica sa kaniyang pamangkin lalo pa’t baguhan lamang ito sa showbiz.

“If it affects her she must be honest. That is something that comes with being public,” ani Rica. “But I think that as she gets older in this business, she will also get used to it, if she isn’t yet.”

Imahe mula sa Facebook ni Heaven Peralejo

Kinalaunan umano ay malalaman din ni Heaven na tatawanan na lamang ang mga kontrobersiya, at ang katotohanan, pati na ang kaniyang kahalagahan bilang tao, ay hindi nakadepende sa sinasabi ng iba; bagkus sa kaniyang pagkakakilala sa sarili kapag walang ibang nakakakita.

“That is more than enough to have peace even when some people are trying to attack her,” dagdag pa ng aktres.

Pinasinungalingan na rin ni Heaven ang inilahad ni Lolit at sinabing hindi siya humihingi ng pera kaninuman at lahat ng mayroon siya ngayon ay produkto ng kaniyang pagtatrabaho at pagsisikap.

Loading…