Ridiculous! Poe, Cayetano tutol sa plano ng MTRCB na i-regulate ang Netflix

  • Tinutulan nina Senador Grace Poe at Speaker Cayetano ang plano ng MTRCB na iregulate ang mga streaming platform
  • Hindi raw ito ‘realistic’ dahil kulang sa manpower ang MTRCB
  • Tinawag ding ‘ridiculous idea’ ni Cayetano ang plano ng MTRCB

Kapwa tutol sina Senador Grace Poe at House Speaker Alan Peter Cayetano sa plano ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na i-regulate ang mga streaming platform tulad ng Netflix, iFlix, HBO at iba pa.

Para kay Poe, na nagsilbi dati bilang chairman ng MTRCB, ang ganitong hakbang ng board ay parehong ‘counterproductive’ at ‘ridiculous’.

Imahe mula sa Facebook ni Sen. Grace Poe

“I think it’s counterproductive and ridiculous to suggest regulating Netflix and other streaming services. I am personally, against it,” ani Poe sa panayam ng ABS-CBN News.

Maliban dito, ‘unrealistic’ din umano ito dahil kapos sa manpower ang MTRCB para gawin ang nais nitong makontrol ang mga online streaming platform. Mas mabuti na raw na pabayaan na lang ang Netflix atbp na magself-regulate.

“As it is, there isn’t enough manpower or even resources to view or evaluate every single program on cable,” paliwanag ng senador. “The MTRCB’s main role is to classify and in it’s mandate, at some point, it should give way to self regulation.”

Tinawag ding ‘ridiculous idea’ ni Speaker Cayetano ang plano ng MTRCB.

Imahe mula sa PNA

“This is the kind of bureaucratic thinking that gives government workers a bad name.Ang dami na ngang problema ng mga kababayan natin, tapos ito pa ang gustong unahin ng MTRCB? Anong dekada na ba kayo?” ani Cayetano.

Giit pa ng kongresista, kung nais daw ng MTRCB na maging ‘relevant’ sa panahon ngayon, ang dapat nitong pagtuunan ng pansin ay ang ‘pagpapa-improve ng industriya’ dahil tila napag-iiwanan na ang Pilipinas ng mga Asian neighbors nito.

Mababatid na ibinahagi ni MTRCB legal affairs chief Jonathan Presquito sa pagdinig sa Senado na gusto nilang iregulate ang mga palabas sa online streaming platform gaya ng Netflix upang matiyak na ito ay alinsunod sa patakaran ng board.

Samantala, hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng Netflix tungkol sa isyu.

Loading…