Robin Padilla, Mariel Rodriguez, 2 anak gumaling na matapos mahawa ng flu virus

Image by Robin Padilla via Facebook
  • Pamilya ni Robin Padilla gumaling na matapos mahawa ng flu virus
  • Nagsimula umano ito nang makaramdam si Robin ng pagbabara sa kanyang ilong at paisa-isang ubo hanggang sa mahawa na ang pamilya
  • Patunay na maayos na ang kalagayan, nakapag-ani na sila ng mga tanim na okra at talong mula sa kanilang bakuran

Naka-recover na ang pamilya ng Bad Boy of Philippine Cinema na si Robin Padilla mula sa flu virus na naranasan nila kamakailan. Nakapag-harvest na rin sila ng mga okra at talong mula sa kanilang backyard garden.

Image by Mariel Padilla via Instagram

Ani Robin, malaki ang pasasalamat niya kay Allah, sa asawang si Mariel, sa mga kamag-anak at mga doktor na nag-asikaso sa kanya at sa kanyang pamilya. Gayundin ang pasasalamat sa lahat ng nanalangin para sa tuluyan nilang paggaling at nang hindi na makahawa pa.

Nito lamang September 28 ay nag-post si Mariel sa kanyang Instagram account ng masaya nilang bonding na mag-asawa, patunay na maayos na ang kanilang kalagayan. “Yehey. This is organic okra from our mini-garden. Bago pa kainin ng mga langgam na ito ay kukunin na natin.”

Saad naman ni Robin, napakasarap mag-ani kahit na hindi aabot sa isang putahe. Tunay umanong ang kaginhawaan sa pangangailangan ng tao ay nasa lupa pa rin at kalikasan.

“Back to basics tayo mga kababayan, pang araw araw na pagkain ang targetin makamtan para makaabante sa susunod na hakbang in shaa Allah.”

Kaugnay naman sa kanilang naranasan, nagsimula aniya ito nang makaramdam siya ng pagbabara sa kanyang ilong at paisa-isang ubo hanggang sa nalipat sa kanyang anak na si Isabela, na nalipat kay Mariel Rodriguez, sa anak niyang si Gabriela hanggang sa ninang nitong si Analyn.

Image by Robin Padilla via Facebook

Kagyat silang gumawa ng hakbang para agapan ang pagkalat nito sa iba pang kasamahan kaya’t nag-quarantine sila at nag-take ng Vitamin C at flu vaccine.

Nag-undergo rin daw siya, si Mariel at si Analyn ng nasopharyngeal swab test para matiyak na hindi ito COVID-19. Negatibo naman ang resulta.

Stay healthy and safe, Robin and family!

Imahe mula sa Instagram | Mariel Rodriguez

Loading…