Robredo pinuri ang UN speech ni Duterte: “Ang ganda noong speech”

Screenshot mula sa RTVM facebook video | Image by Leni Robredo via Instagram
  • VP Leni Robredo pinuri ang mga pahayag ni Pres. Rodrigo Duterte sa UN
  • Iginiit kasi ni Duterte sa UN ang pagkapanalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration noong 2016 kung saan napagdesisyunang pagmamay-ari ng bansa ang West Philippine Sea
  • Robredo: “Ang ganda noong speech”

Pinuri ni bise Presidente Leni Robredo ang naging talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa United Nations General Assembly kung saan binanggit niya ang tagumpay ng Pilipinas sa China kaugnay pa rin sa pinag-aagawang West Philippine Sea; kasabay nito’y umaasa umano siyang paninindigan ni Duterte ang kanyang sinabi.

Imahe mula sa VP Leni Robredo Facebook page

“Ang ganda noong speech,” ani Robredo, at pinakapaborito raw niya ang pagbanggit ng pangulo sa pinag-aagawang teritoryo na aniya’y noon pang 2016 na hinihintay ng masa.

“Noong nakuha natin ang arbitral ruling, hinihintay natin na mag-make ng statement iyong Pangulo na iyong ruling is a part of international law already. Hindi siya puwedeng maging subject of compromise. Hindi siya puwedeng maging subject of negotiation.”

Binanggit din ng bise presidente ang mga bansang Indonesia at Vietnam na hindi pumapayag na angkinin ng China ang kanilang territorial waters kahit na tuloy-tuloy ang economic relations nila sa China.

Hulyo ng taong 2016 nang maglabas ng desisyon ang Permanent Court of Arbitration na nagsasabing pag-aari ng Pilipinas ang pinag-aagawang teritoryo pero hindi ito kinilala ng China at ipinagpatuloy pa rin ang reclamation sa teritoryo.

Pangulong Duterte iginiit sa UN ang panalo ng ‘Pinas kontra China sa arbitration court

Sa kanyang talumpati sa UN, iginiit ni Duterte na, “The Philippines affirms that commitment in the South China Sea in accordance with UNCLOS and the 2016 Arbitral Award.”

Screenshot mula sa PCOO video

Dagdag pa niya, “The award is now part of international law, beyond compromise and beyond the reach of passing governments to dilute, diminish or abandon. We firmly reject attempts to undermine it.”

Nagpasalamat din ang pangulo sa mga bansang patuloy na sumusuporta sa Pilipinas kaugnay sa teritoryo.

Imahe mula sa Get Real Post

Loading…