Rocco Nacino naging emosyonal nang hubarin ang uniporme ni Diego Ramos

Image by Rocco Nacino via Instagram
  • Naging emosyonal si Rocco Nacino nang tanggalin ang uniporme ni Diego Ramos
  • Si Diego Ramos ang karakter na ginampanan niya sa Philippine adaptation ng Descendants of the Sun
  • Talaga umanong minahal niya ang kanyang karakter na siyang naging tulay para maging isang Navy Reservist

Binalot ng emosyon si Rocco Nacino nang hubarin nito ang uniporme ng papel na ginagampanan niya sa Philippine adaptation ng Descendants of the Sun dahil talagang minahal umano niya ang karakter na siya pang naging tulay para maging isa siyang navy reservist.

Image by Rocco Nacino via Instagram

Pahayag ng GMA actor sa Instagram, “Finally home. Yesterday was the last day na suot ko ang uniporme ni Diego Ramos. Mangiyak ngiyak ako habang hinuhubad ko ang outfit na ito, realizing that yes, tapos na kami sa show na ito.

“Thank you, Wolf, talagang minahal ko ang pagganap sa character mo, dahil sayo kaya ako naging isang Navy Reservist.”

Kalakip ng kanyang post ang larawan na suot pa ang uniporme habang naka-heart sign.

Naging emosyonal siya, aniya, hindi dahil sa last taping kundi dahil sa maraming biyaya na dumating sa kanya nang maging bahagi ng palabas.

Ngayon ay makapagpapahinga na umano siya at maghihintay sapagkat siya man daw ay sabik na makita ang produkto ng proyektong pinaghirapan nila ng isang taon.

Pinasalamatan din niya ang girlfriend na si Melissa Gohing, ang GMA Network, at ang Korean actor na si Jin Goo na siyang unang gumanap sa papel na ginampanan niya.

Pagtatapos nito, “This is technical Sergeant Diego Ramos, aka Wolf, mission accomplished!”

Image by Rocco Nacino via Instagram

“Abangan ang Descendants of the Sun: The Philippine Adaptation, soon on GMA Telebabad.”

Ang DOTS PH ay pinagbibidahan nina Dingdong Dantes bilang Captain Lucas Manalo at Jennylyn Mercado bilang Dra. Maxine dela Cruz; katambal naman ni Rocco si Jasmine Curtis-Smith bilang si Moira Defensor.

Nagsimula ang karera ni Rocco sa showbiz nang sumali siya sa artista search na StarStruck V at magwaging 2nd Prince.

Image by Rocco Nacino via Instagram

Loading…