Rufa Mae Quinto, masaya na mabibigyan na ng “green card” upang maging permanent resident ng US

Imahe mula sa Instagram account ni Rufa Mae Quinto
  • Rufa Mae Quinto, masayang ibinahagi na malapit na siyang magkaroon ng Green Card sa US
  • Sinabi ng comedienne na nakumpleto na niya ang mga kailangang dokumento para sa green card
  • Ang green card ay ang Permanent Resident Card na iniisyu ng US sa mga qualified manirahan at magtrabaho nang permanente sa America

Masayang ibinahagi ng aktres na si Rufa Mae Quinto na sa wakas ay maiisyuhan na siya ng “green card” o Permanent Resident Card sa United States (US) matapos ang ilang panahong pananatili roon sa piling ng asawang si Trevor Magallanes at kanilang anak.

Screenshot ng Instagram post ni Rufa Mae quinto

Ibinahagi niya sa Instagram Stories ang mga dokumentong kailangang isumite para mabigyan ng green card.

“Finally complete. Amen. Go, go green card. Todo na ‘to. Winner dinner habang super paper works,” saad ni Rufa Mae sa Instagram post niya.

Ayon sa US Citizenship and Immigration Services, sa pagkakaroon ng green card ay maaari ka nang permanenteng manirahan at magtrabaho sa US. Ang mga hakbang na dapat gawin upang maisyuhan ng green card ay iba-iba base sa sitwasyon ng aplikante.

Isang Filipino-American ang napangasawa ni Rufa Mae, si Trevor Magallanes, na isa umanong financial analyst. Nagkakilala ang dalawa noong ika-limang beses na bumisita ang aktres sa Amerika.

Imahe mula sa ESTA USA

“Fifth time ko pumunta sa America bago ko natagpuan pero every month ‘yun ‘di ko alam ba’t ako pumupunta dun basta baka negosyo o ewan ko”, kiwento ni Rufa Mae tungkol sa pagkakakilala nila ni Trevor.

Kiwento naman ni Trevor, si Rufa Mae daw ang long-time celebrity crush niya na matagal na niyang napapanood sa telebisyon.

“I was overwhelmed, to be honest. I’d been watching her around on TV. It’s Rufa Mae, my long-time celebrity crush. So when I first saw her, I was extremely nervous and shy the whole day,” sabi noon ni Trevor sa isang interview.

Dito sila sa Pilipinas ikinasal noong November 25, 2016; tatlong buwan bago isilang ang anak nilang si Athena.

Screenshot mula sa video ng Magandang Buhay

Loading…