Sa kauna-unahang pagkakataon, 21 train sets ang sabay-sabay na tumakbo sa mainline ng MRT-3

Imahe mula sa DOTr-MRT3
  • First time sa history ng MRT-3 na sabay-sabay na nakapagpatakbo ng 21 train sets sa main line
  • Dahil dito ay umiksi ang waiting interval at tumaas ang passenger capacity ng MRT-3
  • Plano ng MRT-3 na makapag-field ng 24 train sets matapos ang comprehensive rehabilitation ng rail service

Masayang ibinalita ng Department of Transportation (DOTr) na sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ay 21 train sets nag sabay-sabay na tumakbo sa mainline nito noong Miyerkules, September 16.

Imahe mula sa DOTr-MRT3

Ang bagong record ay naitala dalawang araw matapos sabay-sabay na tumakbo ang 20 train sets noong September 14 na isa ring record.

“First time in history po na nakapag-field o nakapaglabas o nakapagpatakbo ang MRT-3 sa main line ng 21 train sets,” mensahe ni DOTr Assistant Secretary Goddes Hope Libiran.

Plano umano ng MRT-3 na makapag-field ng 24 train sets matapos ang comprehensive rehabilitation ng rail service.

“Maximum capacity of the mainline now is 21 train sets. But the target is up to 24 train sets,” ani Asec. Libiran.

Ibinahagi niya na noong taong 2016, ang MRT-3 ay mayroong 22 operational train sets, subalit hanggang 20 tren lang ang pinatatakbo dahil limitado ang maximum capacity ng rail service.

Imahe mula sa DOTr-MRT3

Magkaiba ‘yung operational sa running trains on the mainline. December 2016, nagkaroon ng 22 operational trains. Pero 20 lang ang pinatakbo sa main line. ‘Yung isa nasa boundary, ‘yung isa nasa depot,” paliwanag ni Libiran.

Dahil mas marami na ang bumibiyaheng tren ay umiksi ang oras ng paghihintay sa pagdating ng mga ito sa bawat istasyon at tumaas ang bilang ng mga pasaherong napagsisilbihan ng rail service.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, mula pa noong buwan ng Hunyo nang unang ideklara ang general community quarantine sa Metro Manila ay wala pang naiulat na unloading incidents.

Imahe mula sa DOTr-MRT3

 

Source :

Facebook, PNA

Loading…