“Sa lahat ng bagay, may magagawang paraan”: Bata nanonood ng educational shows, cartoons sa wifi kiosk

Image by Marc Joseph Austria via Facebook
  • Batang nanonood ng educational lessons at cartoons sa wifi kiosk, hinangaan
  • Pinatutunayan lamang nito na may nagagawang paraan sa lahat ng bagay
  • Anang netizen: “Sana ‘yung mga ganyan ang tinutulungan ng gobyerno”

Problema mo ba ang gadget at internet para sa online class? Marami ang napahanga sa larawan ng isang bata na nakunan ng kamera habang gumagamit ng wifi kiosk sa smart station sa España Blvd. para makapanood ng educational lessons, at cartoons na rin para libangin ang sarili.

Image by Marc Joseph Austria via Facebook

Pagbabahagi ni Marc Joseph Austria sa Facebook, “Nakakatuwa namang makita ang batang ito na nakagawa ng paraan para libangin ang sarili nya.”

Saad pa ni Austria, may suot-suot pang earphone ang bata para mapakinggan ang pinapanood, “Totoong sa lahat ng bagay, may nagagawang paraan.”

Ayon sa GMA News, hindi na nakausap ni Austria ang bata dahil talagang tutok ito sa pinapanood.

Umani naman ng papuri ang pagsusumikap na ito ng bata. Ani ng isang netizen, “Sana ‘yung mga ganyan ang tinutulungan ng gobyerno para mabuhay nang disente, makapag-aral at mapakain nang maayos. Hindi puro pasikat sa media.”

Wika naman ng isa, “Install outdoor/public monitors parang sa mga nasa MRT/LRT para sa mga kids na gustong mag-aral pero walang TV. Para makapanood sila ng DepEd channels.”

Image by Marc Joseph Austria via Facebook

Pahayag pa ng isa, “Sana ay mas marami pang kiosk para sa mga batang katulad niya na nagpupursiging matuto. God bless you, little boy.”

Mga kumpiskadong gadgets dapat i-donate sa mga estudyante – Sen. Imee Marcos

Samantala, hinimok kamakailan ni Sen. Imee Marcos ang pamahalaan na ibigay na lamang sa mga mahihirap na estudyante para sa blended learning ang mga nakumpiskang gadgets ng Bureau of Customs (BOC) sa halip na isubasta o wasakin.

“A single cellphone or laptop would be a huge boon to a mother struggling to buy food, pay electric bills, and now access online,” giit ni Sen. Marcos.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Imee Marcos

Loading…