Sako-sakong ‘recycled condoms’ na muling ibinebenta nadiskubre sa isang warehouse sa Vietnam

Screenshot mula sa YT video
  • Nasakote ng mga awtoridad sa Vietnam ang saku-sakong ‘recycled condoms na ginagawa sa isang bodega
  • Umabot sa 365 kilos ang timbang nito at tinatayang nasa 345,000 ang bilang
  • Hinuhugasan lang umano ito bago inire-repack at saka muling ibinebenta sa mga pamilihan, ayon sa ulat

Tinatayang aabot sa mahigit 300,000 piraso ng gamit na condom na muling ibinebenta sa merkado ang nadiskubre ng mga lokal na awtoridad sa Vietnam kamakailan.

Ayon sa ulat ng VTV news broadcast sa Vietnam, nadiskubre ang sako-sakong ‘recycled condom’ matapos salakayin ng mga maykapangyarihan ang isang bodega sa probinsiya ng Binh Duong malapit sa Ho Chi Minh City.

Screenshot mula sa YT video

Umabot sa 360 kilos ang timbang ng mga nakasakong condom at tinatayang aabot sa 345,000 ang bilang nito.

Nasakote sa nasabing raid ang isang 34-anyos na babae na empleyado umano sa bodega. Kaagad naman itong umamin na mayroong nagsu-supply sa kanila ng maraming used condoms buwan-buwan.

Hinuhugasan lang daw muli ang mga ito sa mainit na tubig, binabanat para ayusin ang hugis saka inire-repack bago muling ibenta sa mga tindahan.

Screenshot mula sa YT video

Umamin din ang babae na binabayaran sila ng 4,000 Vietnam Dong (0.17 US Dollar) sa kada kilo ng condom na naihahanda para mabenta.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung ilang condom na ang naipagbili sa mga pamilihan at kung matagal na itong ginagawa.

Hindi pa rin nagbibigay ng pahayag ang may-ari ng nasabing bodega.

Loading…