Sala-salabat na wirings ng mga poste sa isang kalye, pinuna ng mga netizens

  • Hindi napigilan ng mga netizens na sitahin ang mga sala-salabat na wirings na makikita sa larawan ng isang kalye sa Cebu City
  • Mas magulo pa umano sa bituka ng manok ang mga wirings ng kuryente, cable network, at marami pang iba
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Mahalaga ang paggamit ng kuryente dahil ito ang pangunahing kailangan upang mapaandar ang mga aparato, kagamitan o kasangkapang nangangailangan nito. Kaya naman, kinakailangang maayos ang pagkakalatag ng mga kable nito upang hindi makapaminsala ng mga residente.

Ngunit sa isang kalye sa Cebu City, makikitang sala-salabat ang mga kable o wirings na mas magulo pa sa bituka ng manok, batay sa Facebook post ng “SunStar Cebu” bagay na sinita ng mga netizens. Ang mga larawang ibinahagi ay nagmula umano sa netizen na pinangalanang “A. Campaña.”

Imahe mula sa Facebook page ng SunStar Cebu

“LOOK. Some of the wires hanging in Urgello street were organized to reduce any possible hazards,” ayon sa caption. Hindi naman makapaniwala ang mga netizens na ang tinutuloy na “organized” ay magulong-magulo pa rin tingnan.

“I dont understand, it was said na organized… but why are the wires still look so messy… was this corrected already or about to be corrected?” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Let us see what LGU action on these matter. LGU should call the attention to the private company like telecom, electric and cable network to avoid hazardous event on these area.”

“Arranged? This? Something is very wrong with their standard of ‘arranged’ then. Telecom cables make up most of these wires, not the electricity.” saad naman ng isa.

Wika naman ng isa, “Correct caption should be — LOOK. Some of the wires hanging in Urgello street were tried to look less disruptive to reduce any possible hazards. Lol, at least.”

Imahe mula sa Facebook page ng SunStar Cebu

Samantala, wala pang feedback o update kung naisaayos na nga ba ang naturang mga wirings.

Source :

SunStar Cebu

Loading…