“Sandali lang ‘yan”: Michael V naniniwalang mapagtatagumpayan ang COVID-19

Image by Michael V via Facebook
  • Michael V tiwalang mapagtatagumpayan ng mga Pilipino ang COVID-19
  • Mas madali aniya ito kung tulong-tulong at sama-sama nating gawin ang mga dapat nating gawin
  • Nagbahagi rin siya ng mga tips mula sa kanyang karanasan nang dapuan ng COVID-19

Naniniwala ang comedy genius na si Michael V (Bitoy) na mapagtatagumpayan ng sambayanang Pilipino ang COVID-19 lalo na kung magtulong-tulong ang lahat para gawin ang mga dapat na gawin.

Screenshot mula sa YT vlogs ni Michael V

Pahayag ni Bitoy sa GMA Regional TV, “Tayong mga Pilipino, talagang fighters tayo. Kung magtutulong-tulong tayong lahat at kung sama-sama nating gagawin ‘yung mga dapat nating gawin para matalo itong mga problema na ito. I’m pretty sure, sandali lang ‘yan, maa-achieve na natin ‘yung goal natin na ‘yun.”

Matatandaang dinapuan ng COVID-19 ang komedyante pero naka-rekpber din kalaunan. Pinasalamatan niya ang kanyang pamilya at mga taga-suporta na siyang nagpalakas sa kanyang loob habang pinagdaraanan ang isa sa pinakamabigat na pagsubok sa kanyang buhay.

“I would say mas naging spiritual ako during that moment dahil du’n sa mga messages na ‘yon na pinaparating sa akin ng mga tao.”

Michael V gumaling na sa COVID; nilinaw ang hinala kung saan nakuha ang virus

Kabilang sa mga sintomas na naranasan umano ni Bitoy ang lagnat na umabot sa 37.8 degrees Celsius or above, pagkawala ng pang-amoy at panlasa, at madaling mapagod.

Imahe mula sa YouTube | Michael V

Habang nasa quarantine, natutunan niyang iwasan ang stress at humanap ng mapaglilibangan. Natutunan din umano niya na isa sa paraan para matalo ang pandemya ay ang pagiging mentally fit, maliban sa pagiging fit physically.

“Hindi naman porke mayroong pandemya, kailangan nang malungkot,” giit niya.

Sa kasalukuyan, nakakabawi-bawi na siya at malapit na sa 100% ang kalagayan. Tuloy parin aniya ang kanyang page-ehersisyo.

Napapanood si Michael V sa mga Kapuso shows na Pepito Manaloto at Bubble Gang.

Panoorin ang buong bidyo mula sa GMA Regional TV:

Loading…