Sanya Lopez natupad na ang pangarap na dream house

  • May bago nang bahay si Sanya Lopez
  • Isinantabi muna niya ang love life upang makaipon
  • Aminado ang aktres na isa siyang matipid na tao

Isa sa mga bankable actresses ng GMA Kapuso Network si Sanya Lopez na mas nakilala bilang “Sang’gre Danaya” sa remake ng telefantasyang “Encantadia” kasama pa sina Kylie Padilla bilang Sang’gre Amihan, Gabby Garcia bilang Sang’gre Alena, at Glaiza De Castro bilang Sang’gre Pirena.

Kaya naman hindi nakapagtataka kung makapag-iipon kaagad siya ng pera mula sa kaniyang kinikita at makapagpatayo ng kaniyang dream house, na kaniyang ibinida sa isang Instagram post. Biro ni Sanya, isinakripisyo umano niya ang kaniyang love life para lamang dito.

Imahe mula sa Instagram account ni Sanya Lopez

“Feeling ko talaga malaking factor ang love life sa pag-iipon for me, kasi kung siningit ko ‘yun baka hindi ako masyado nag-focus,” ani Sanya sa panayam sa kaniya ng isang reporter para sa “24 Oras.”

Matipid umano sa pera ang aktres. Hindi raw niya hilig ang tipikal na ginagawa ng mga babae na nasa kaniyang edad gaya ng shopping.

“Hindi ako mahilig lumabas. Hindi rin ako mahilig bumili ng mga bags, ng mga shoes, not unless importante at kailangan,” paliwanag niya.

Aminado siyang lumaki siya sa isang ‘di-kalakihang bahay, kaya naman pinangarap niya talagang magkaroon ng malaking bahay.

Kung mapapansin, malaki at may dalawang palapag ang ipinatayong dream house ni Sanya, na ang kulay ay gray, brown at black na pawang mga dark and classy colors. Kita rin ang loob nito dahil pinalagyan niya ito ng salamin sa harapan.

Nakisaya naman ang mga tagahanga at tagasubaybay ni Sanya sa achievement niyang ito.

Imahe mula sa Instagram account ni Sanya Lopez

“La Casa de Sanya! Nakaka-proud, may sariling bahay ka na. Congratulations po! More projects to come. You deserve it!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Congratulations Sanya! House tour soon naman diyan!”

“Congratulations! I am so happy for you! I love the design!” papuri naman ng isa.

Napapanood ngayon si Sanya sa re-run ng Encantadia dulot ng community quarantine. Siya ay kapatid ng Kapuso actor na si Jak Roberto.

Loading…