Sawa kinagat ang binatilyong nasa CR

Screenshot mula sa The Courier Mail video
  • Kinagat ng sawa ang isang binatilyong nasa loob ng CR
  • Habang nakaupo sa toilet bowl ay bigla na lang nakaramdam ng kirot ang binatilyo sa bahaging ibaba ng katawan
  • Nahindik siya nang makitang kinagat pala siya ng sawa

Pumasok ng CR (comfort room) ang isang binatilyo sa Bangkok, Thailand dahil sa tawag ng kalikasan. Habang nakaupo sa “trono” at nanonood ng video gamit ang kanyang mobile phone ay bigla na lang umano siyang nakaramdam ng hapdi sa ibabang bahagi ng kanyang katawan.

Screenshot mula sa The Courier Mail video

Nang sipatin niya kung ano ang dahilan ng naramdamang kirot ay nahindik siya sa nakita at napahiyaw. Nakita niya ang isang maliit na sawa na kagat-kagat pa ang kanyang pagkalalaki.

“I was watching video clips on my phone when suddenly, I felt pain in my p****. I grabbed it and found a snake biting my gen*****,” kuwento ng binatilyong si Siraphop Masukarat sa pangyayaring naganap noong Martes, September 8.

Sa takot ay bigla umanong napatayo si Siraphop at nahila pa niya ang sawa, pero natanggal din iyon nang maipit sa isinarang pintuan ng CR.

Agad namang nilapatan ng lunas ang sugat ni Siraphop na nangailangan ng tatlong stiches. Sinabi ng mga doktor na wala namang gaanong napinsala at normal pa rin niya iyong magagamit kapag naghilom na ang sugat.

Screenshot mula sa The Courier Mail video

Nahuli naman ng mga rescue volunteers ang sawa na bumalik sa loob ng toilet bowl. Pinakawalan sa kakahuyan ang ahas na may habang 1.2 meters.

Sobrang nerbiyos naman ang naramdaman ng ina ng binatilyo. Mabuti na lang daw at hindi makamandag na cobra ang nakapasok sa CR nila.

Samantala, mas maiging huwag magtagal sa paggamit ng toilet at tiyaking maliwanag ang paligid.

Loading…