Scammer ginagamit ang pangalan ni PNP chief Cascolan upang makapanloko sa Facebook – PNP

Imahe mula sa PNA
  • Pinag-iingat ng PNP ang publiko sa scammer na gumagamit ng pangalan ng PNP chief
  • Isang scammer na ang nahuli na naghihingi ng P10,000 kapalit umano ng re-assignment
  • Isang kamag-anak ng kaibigan ni Cascolan ang sinubukang lokohin ng scammer

Nagbabala sa publiko ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) tungkol sa isang Facebook user na diumano’y ginagamit ang pangalan ni PNP chief Gen. Camilo Cascola upang makapambiktima sa social media.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Ysmael Yu, ginagamit ng user ang pangalan ng opisyal upang mag-alok ng re-assignment kapalit ng ilang libong halaga.

PNP chief Gen. Cascolan| Imahe mula sa Facebook

Nasakote na umano ang nasa likod ng panloloko at posible itong makasuhan ng paglabag sa anti-cybercrime law.

“We welcome well-meaning messages and posts on social media that assist us in reaching out to the public, but we will not allow the name of the PNP and its officials to be misused for shady activities,” pahayag ni Yu nitong Martes.

Sa pagsisiyasat na ginawa ng PNP Anti-Cybercrime Group, gumawa ng Facebook account ang scammer gamit ang pangalan ni Cascolan. Isa umano sa inalok nito ay pamangkin mismo ng kaibigan ng PNP chief na siyang nagsumbong sa opisyal.

Inalok daw ang pulis ng re-assignment kapalit ng P10,000, ayon sa PNP-ACG.

Imahe mula sa national Privacy Commission

“Arrest is imminent as soon as a warrant of arrest is obtained,” pahayag ni PNP-ACG chief Police Brigadier General Dennis Agustin.

Lalo namang pinag-ibayo ng PNP ang kanilang hakbang upang maiwasan ang pagtaas ng mga katulad na modus lalo na sa mga lugar na nabawasan ang tinatawag na ‘traditional crime’ dahil na rin sa pinalakas na border control.

“The PNP has stepped-up anti-cybercrime operations in anticipation of possible surge in cybercrime incidents or non-contact crime cases in areas under community quarantine where a 47% drop in traditional crime trend was experienced as a direct result of strict border control, travel restrictions, and rigid quarantine control protocols,” ayon pa kay Yu.

Loading…