Screen time guidelines sa online classes inilabas ng DepEd

  • May screen time guidelines na ibinigay ang DepEd para sa pagsasagawa ng online classes
  • Ang screen time guidelines na ito ay ibinatay sa American Academy of Pediatrics and World Health Organization sang-ayon na rin sa DepEd memo
  • Makikita ang infographics nito sa Facebook post ni DepEd Usec Alain Pascua

Naglabas ng guidelines ang Department of Education o DepEd para sa screen time na maaaring gawin ng mga guro para sa kanilang mga online classes, lalo na sa panahon ng synchronous session.

Makikita sa Facebook post ni DepEd Undersecretary Alain Pascua ang infographics ng recommended screen times sa bawat edad at baitang, na nakabatay sa DepEd Memorandum 2020-00162.

Imahe mula sa Facebook account ni Alain Pascua

“Sa mga gumagamit ng Online Learning, lagi po natin tatandaan ang recommended screen times angkop sa bawat edad o grade level! Tandaan, ang kalusugan at seguridad ng ating mga anak ay mahalaga kaya atin po itong pangalagaan!” ayon kay DepEd Usec Pascua.

Para sa mga kindergarten pupils, may maximum na 1 hour-screen time habang 1.5 hour naman para sa Grade 1 hanggang Grade 5. Para naman sa Grade  6 to 8, ito ay 2 hour-screen time at 4 hours naman sa Grade 9 hanggang Grade 12.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

“Please do check every school if they are following this. My family friend’s son is grade 1 and he is studying for 2-4 hours a week. If you really want to continue this school year, let our voices be heard,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Dami yatang private schools na hindi sumusunod… Paano na ang mangyayari sa mga mag-aaral? At ano po kaya ang recommendation ng DepEd sa mga hindi susunod?”

Ayon sa memorandum, ang screen time guidelines na ito ay ibinatay sa American Academy of Pediatrics and World Health Organization.

Public Domain Image

Batay naman kay Child development specialist Sheila Marie Hocson, hindi magiging maganda sa paningin ng mga bata ang masyadong matagal na screen time dahil maaaring magkaroon ng strain ang mga mata nila. Baka imbes na matuto ay hindi pa ma-absorb ang mga aralin.

Loading…