Sekyu na kumakayod upang maging abogado hinangaan

Imahe mula sa Facebook | Keij Ejercito at DZMM Teleradyo
  • Hanga ang netizens sa isang security guard na nagsisikap upang matupad ang pangarap na maging abogado
  • Kuwento ng isang abogado na nakatira sa condo kung saan nakadestino si Johnny Abbang, Jr., madalas niya itong makitang nagbabasa ng law books
  • Kamakailan lamang ay niregaluhan niya ito ng libro na may note na ‘para sa future abogado ng bayan’

Nagbigay ng inspirasyon ang security guard na nagsisikap upang matupad ang kaniyang pangarap na maging isang abogado.

Imahe mula sa Facebook | DZMM Teleradyo

Nakadestino ang sekyung si Johnny Abbang, Jr. sa isang condominium kung saan nakatira ang abogadong si Atty. Keij Ejercito.

Kuwento ni Ejercito, 2018 pa nang mapansin niyang madalas na nagbabasa ng law books si Abbang na noon ay nag-aaral pala ng criminology. Nang malaman ng security guard na abogado siya ay madalas na itong magbato ng mga tanong sa kaniya.

“Actually hindi lang po ako, maraming ibang abogado na nakatira rito sa building. Tinatanong din po bigla niya ng mga recit questions. ‘Oh, tama ba yung chain of custody ng drugs, Atty.? ‘Di ba ganito?’ Nagpapa-clarify po siya ng questions kaya nakakatuwa,” kuwento ni Ejercito sa isang panayam sa DZMM Teleradyo.

Natuwa si Ejercito sa kaniya kaya naman niregaluhan niya ito ng bagong law book na may naka-engrave na pangalan niya at note na nagsasabing “para sa future abogado ng bayan.”

Imahe mula sa Facebook | DZMM Teleradyo

Determinado raw kasi si Abbang na kumuha ng law. Sa katunayan, natapos na niya ang kaniyang kursong criminology ngayong taon at mag-aasikaso na rin ng requirements para sa law school.

“Unfortunately, isa po yun sa mga binubuno natin ngayon, hindi po niya makuha yung credentials niya doon sa school kasi may pending payments pa siya. Pero natapos niya na ‘yong course work. Hindi siya makapag-entrance exam sa mga law school without the transcript of records,” aniya

Noong una raw ay nagdadalawang-isip pa si Abbang ngunit pinalakas ni Ejercito ang kaniyang loob. Pinagsabay rin kasi noon ni Ejercito ang pag-aaral at pagtatrabaho upang makapagtapos ng law.

“Na-inspire din siya na ‘Sige, Atty. kahit paisa-isang subject, dalawa-dalawang subject,’” sabi ni Ejercito.

Paalala pa ni Ejercito, hindi naman ito tungkol sa pabilisan at ang mahalaga ay matapos niya ang abogasya.

Loading…