Sen. Bato Dela Rosa may payo sa CHR

Imahe mula sa PNA
  • Pinayuhan ni Sen. Bato Dela Rosa ang CHR na kumuha ng mga maka-gobyerno at security forces na empleyado
  • Qualification daw at hindi political affiliation ang kanilang tinitingnan sa kanilang employment process
  • Sinigurado rin ni Dela Rosa na hindi niy haharangin ang budget ng CHR para sa susunod na taon

Pinayuhan ni Sen. Bato Dela Rosa ang Commission on Human Rights (CHR) na mag-hire ng mga abogadong maka-gobyerno, sundalo, at pulis.

Imahe mula sa PNA

“Magbigay lang sana ako sa inyo ng unsolicited advice kung paano kayo makapagre-recruit ng mga lawyer diyan sa inyo. Sana huwag ninyong i-limit…baka may unwritten qualifications kayo na dapat ang papasok sa CHR ay hindi pro-government, hindi pro-military, hindi pro-police,” ani Dela Rosa sa ginanap na CHR 2021 budget hearing ng Senado.

Sa kasalukuyan kasi ay may halos 200 bakanteng posisyon sa CHR.

“Mag-recruit din kayo ng mga pro-military, pro-police para madaling makapasok sa mga kampo kapag nag-conduct ng investigation,” paliwanag niya.

Pagsisigurado naman ni CHR chairperson Chito Gascon, qualification at hindi political affiliation ang tinitingnan nila sa pagtanggap ng mga empleyado.

Imahe mula sa PNA

Nahihirapan daw silang punan ang mga bakanteng posisyon dahil sa mababang allowance na kanilang ibinibigay.

Samantala, sinigurado rin ni Dela Rosa na suportado niya ang pagbibigay ng naaayon na budget para sa CHR at hindi niya ito haharangin.

“I would just like the CHR to know that alam kong sila ay very much worried na baka haharangin ko ‘yong kanilang budget dito sa ating hearing na ito. Pero rest assured sasabihan ko po kayo as early as now na hindi po ako kagaya ng ibang legislators na ginagamit ‘yong power of the purse to get even doon sa kanilang opponents,” sabi ni Sen. Dela Rosa.

“Kaya ako po ay lantaran na sasabihin ko sa inyo na I am fully supporting your budget. Kung gusto po ninyong dagdagan ‘yan ay suporta pa rin ako.”

Loading…