Senador Manny Pacquiao: “We need a true leader na nagmamahal sa bansa”

  • “We need a true leader na nagmamahal sa bansa”
  • Iyan ang panawagan ni Senador Manny Pacquiao
  • Naglabas siya ng hinanakit laban sa mga katiwalian sa pamahalaan, lalo na sa anomalya sa loob ng PhilHealth

Hindi napigilan ng “Pambansang Kamao” na si Senador Manny Pacquiao na ipahayag ang kaniyang pagkadismaya sa PhilHealth matapos niyang ilahad sa Senado ang Committee of the Whole report sa mga alegasyon ng anomalya sa naturang ahensiya.

Ayon sa senador, “Di ko maintindihan kung ano nang nangyayari sa ating bansa, marami nang korapsyon, daming nagugutom, naghihirap. Sino pa ang pagtitiwalaan ng mga tao?”

Public Domain Image

Dagdag pa ng senador, hindi raw kailangan ng bansa ang mga opisyal ng pamahalaan na masyadong henyo o matalino; mas kailangan daw ang mga taong may marubdob na pagmamahal at malasakit para sa kanilang mga kababayan, gayundi ang tapat na serbisyo-publiko.

“Dito sa bansa na ito, hindi kailangan ng utak na talagang genius ka. Ang kailangan dito sa bansa natin ay puso, pagmamahal para sa mga kababayan natin… Utak, mayroon na tayong utak, alam nga kung paano mag-corrupt. Ang problema natin dito, puso. We need a true leader na nagmamahal sa mahihirap, nagmamahal sa bansa.”

Pinuna rin ni Senador Pacquiao nag nagbitiw sa tungkulin na si PhilHealth chief Ricardo Morales.

“Nilagay po kayo ni Pangulo riyan dahil ang Pangulo ayaw ng korapsyon. Noong inilagay ka riyan dapat ibinunyag mo ang lahat ng anomalya na nalalaman mo para ikaw ang maging hero ng bayan. Ikaw pa ang saluduhan naming lahat. Pero hindi ako satisfied sa sagot mo na Yan na kasi ang nakagisnan ko noong umupo ako,” aniya.

Public Domain Image

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Hindi naman talaga kailangan ang sobrang henyo ng isang lingkod-bayan. Kailangan natin isang kawani na totoong may malasakit, hindi kurakot at totoong magsisilbi pra sa kapakanan ng taong bayan lalo na roon sa mga tapat,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “It should be ‘Utak at Puso’ at hindi lang dapat sa mahihirap nagmamahal. Dapat diyan pantay- pantay, mapa-mahirap man or mayaman. Kung puro ka puso pero wala kang utak madali ka lang mabobola (Hindi ko sinasabing walang utak si Manny ha) pero baka madali lang din siyang mabola ng mga politikong pulpol.”

“May punto po kayo… hindi natin kailangan ng sobrang talinong public servants/leaders, kailangan natin ng totoong may malasakit at pagmamahal sa mga Pilipino, lalong hindi self-servant at ganid,” wika naman ng isa.

Ang bagong pinuno ng PhilHealth ay si dating director ng National Bureau of Investigation o NBI Dante Gierran na itinalaga ni Pangulong Duterte nitong pagpasok ng Setyembre 2020.

Loading…