Senate panel nangakong ibabalik ang P44-M na tinanggal sa 2021 budget ng OVP

Screenshot mula sa Facebook video ni VP Leni Robredo
  • Nangako ang mga senador na ibabalik nila ang tinanggal na budget ng OVP para sa 2021
  • Umabot sa P44-M ang nawala sa orihinal na panukalang budget ni Robredo na tinanggal ng DBM
  • 20 minuto lamang ang itinagal ng pag-uusap ng mga senador at inaprubahan na ang budget ng OVP

Tiniyak ng mga senador na gagawa sila ng paraan upang maibalik ang tinanggal na P44-M mula sa budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa susunod na taon.

Sa ginawang pagdinig ng Senate Committee on Finance na pinamumunuan ni Senador Sonny Angara, ibinahagi ni Vice President Leni Robredo na P679.74-M lamang ang naaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) mula sa panukala nilang P723.39-M para sa 2021.

Imahe mula sa PTV4

Mas mababa ang naaprubahang halaga kaysa sa budget nila sa kasalukuyang taon na P708-M at isa umano ito sa pinakamababang alokasyon sa mga tanggapan ng pamahalaan.

Ayon kay Robredo, ang nawalang P44-M ay nakalaan sana sa pagbili ng mga bagong sasakyan ng kaniyang tanggapan at para rin sa research and development.

Luma na umano at hindi na magamit ang mga sasakyan ng OVP at kadalasan ay mga private vehicles ng kanilang staff na lamang ang ginagamit nila para sa kanilang relief operations.

“But that is not a problem as far as our staff is concerned, but the problem there is we couldn’t charge gasoline, so we have been — that’s out of pocket already — the gasoline that we are using for most of our operations,” paliwanag ng Pangalawang Pangulo.

Imahe mula sa Facebook ni VP Leni Robredo

“We’re not adding new vehicles. It’s just for replacement for the old vehicles,” dagdag pa ni Robredo.

Para naman sa research and development, halos P69-M umano ang nakuha sa kanilang kasalukuyang pondo at na-realign sa COVID response bilang tugon sa inaaatas ng Bayanihan act.

Tiniyak naman nina Senador Franklin Drilon at Sonny Angara na maibabalik sa OVP ang nawalang budget.

“I think that’s enough justification for us to reinstate the P45 million which was originally submitted to the DBM,” ani Drilon; kilalang kaalyado ng Bise Presidente.

Imahe mula sa Facebook ni VP Leni Robredo

“I’d like to say that the committee will consider this favorably at the proper time when we tackle the amendments but this early I think it’s clear that the support will be overwhelming for the increase in the OVP,” paniniguro naman ni Angara.

Sinang-ayunan din ito nina Senador Francis Pangilinan, Nancy Binay, Bong Revilla Jr., at Lito Lapid.

Umabot lamang ng 20 minuto ang naging pag-uusap ng mga senador at tuluyan nang naaprubahan ang panukalang budget ni Robredo.

Loading…