Senior citizens, kabataan pinapayagan nang bumisita sa Boracay simula October 1

Imahe mula sa My Boracay Guide
  • Muling bubuksan ang Boracay sa mga turistang mula sa GCQ at MGCQ areas 
  • Pinapayagan na rin ang mga senior citizens at kabataang edad 21 pababa na makabisita sa resort island
  • Kailangan lang negatibo ang kanilang COVID-19 test result dalawa hanggang tatlong araw bago magtungo sa Boracay

Niluwagan na ang national government ang age limit para sa mga turistang nagnanais na makapasyal sa world-famous resort island na Boracay.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Simula sa October 1 ay pinapayagan nang bumisita roon ang mga senior citizens at mga kabataang may edad na 21 years old pababa na magmumula sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine o sa mas maluwag na modified community quarantine. Ito ay kung wala silang comorbidity o  hindi mainam na kalagayan ng kalusugan.

“Effective October 1, 2020, Boracay Island may accept tourists from areas within a community quarantine classification of General Community Quarantine or lower, apart from travelers from Western Visayas,” pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque noong Huwebes, September 24.

Kaugnay nito ay mahigpit na ipatutupad ang “test before travel” policy na ang ibig sabihin ay ang mga turistang papayagang makapasok sa Boracay ay dapat negatibo ang reverse transcription-polymerase chain reaction test result 48 hanggang 72 hours bago ang petsa ng pagtungo sa resort island.

Imahe mula sa Panay News

“In this regard, the Test-Before-Travel shall be implemented and strict quarantine shall be observed immediately after undergoing the test until the date of the travel to the island,” ani Roque.

Inabisuhan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang mga airlines na lumapag sa Godofredo R. Ramos Airport sa Caticlan, na siyang tanging gagamitin bilang entry point ng mga turistang bibiyahe sakay ng eroplano.

Sa pagbubukas muli ng Boracay sa mga turista, kinakailangan ang minimum health and safety guidelines at emergency response protocols. Dapat ding operational ang COVID-laboratory sa lugar.

Imahe mula sa The District Boracay

Loading…