Sherilyn Reyes umaming walang pera: “Gumagapang para mabayaran ang utang na ‘di naman amin”

Image by Sherilyn Reyes via Instagram | Image by Ryle Santiago via Instagram
  • Inamin ni Sherilyn Reyes na wala silang pera makaraang magantso noong nakaraang taon
  • Panay umano ang raket ng aktres para sa pamilya at para mabayaran ang utang na hindi raw sa kanila
  • Kaya’t ‘wag umanong husgahan ang anak na si Ryle dahil hindi batid ang pinagdaraanan nito

Hindi na napigilan ng aktres na si Sherilyn Reyes ang sarili, sinagot nito ang komento ng isang netizen na nagsabing sa halip na magpapansin umano ang kanyang anak na si Ryle Santiago ay tulungan na lamang daw nito si Sherilyn na maglako ng beauty products.

Image by Sherilyn Reyes via Instagram | Image by Ryle Santiago via Instagram

Paghahayag ng aktres, hindi batid ng netizen ang pinagdadaanan ng anak kasabay nito ang pag-amin na panay ang raket niya yamang nagantso siya noong nakaraang taon. Gayunman, malaki ang pasasalamat niya na maraming raket ang dumarating.

Saad pa niya, “WALA daw KAMING PERA, totoo rin! At kahit kailan lalo na sa mga kakilala ko ay never ko ikinaila na wala akong pera ngayon. Sa kasamaang palad, na swindle ako last year.

“Masaklap pero buong pamilya ko ay lumalaban araw araw at gumagapang para mabayaran ang utang na di naman amin. Pera na itinakbo ng iba, pera na sana ay magiging seguridad ng mga anak ko sa kanilang kinabukasan. Dalangin ko na sana hindi mo maranasan dahil mahirap at masakit.”

Taas noo umano siyang magbebenta ng beauty products sapagkat gagawin niya ang lahat para matupad ang obligasyon sa pamilya at mabayaran ang utang; kahit na naiiyak at nalulungkot na siya ay pipiliin pa rin ang ngumiti.

Malaki din umano ang pasasalamat niya sa kanyang asawa na nanatiling mapagkumbaba para makiusap sa mga tao dahil sa problemang hindi naman daw dapat sa kanila.

Image by Sherilyn Reyes via Instagram

Aniya, sa loob ng 26 years na pamamalagi sa showbiz ay hindi niya kailanman kinonsidera na sikat siya pero naramdaman niya ang kasikatan nang mapansin ng netizen.

Ikinalulungkot daw ni Sherilyn na sa gitna ng pandemya ay nagawa pa silang laitin kahit na wala silang ginagawa sa netizen.

“Galing kami sa simbahan at pinagdasal kita, halatang di ka masaya. Ipagpasalamat mong buhay ka at malusog at walang problema katulad ng akin,” pagwawakas niya.

Image by Sherilyn Reyes via Instagram
Source :

Instagram

Loading…