Si Korina nga ba ang ipinalit sa naunsyaming programa ni Kris sa TV 5?

Mga imahe mula sa Facebook
  • Si Korina Sanchez nga kaya ang ipinalit ng producer sa naunsyaming TV comeback ni Kris Aquino
  • Lumalakas kasi ang bulong-bulongan na muling makikita si Korina sa TV 5
  • Kasabay naman nito ay ang pagkumpirma ni Kris na hindi na muna matutuloy ang kaniyang pagbabalik telebisyon

Umuugong ngayon ang usap-usapan na si Korina Sanchez ang posibleng dahilan kung bakit hindi na muna matutuloy ang inaasahang TV comeback ni Kris Aquino sa TV 5.

Nitong Setyembre 8, kinumpirma ni Kris sa kaniyang social media account na hindi na matutuloy ang kaniyang pagbabalik telebisyon dahil mas pinili umano ng producer ang iba na sa tingin nila ay papatok sa publiko.

Imahe mula sa Facebook ni Kris

“My hoped for TV comeback isn’t happening, the producer chose somebody else he and his sales team felt was more viable,” ani Kris bagama’t hindi na niya binanggit kung sino ang ‘somebody else’.

Kasabay nito ay ang napaulat na napipintong paglipat umano ni Korina sa Kapatid network kahit pa madalas na sinasabi ng misis ni Mar Roxas na mananatili siyang ‘Kapamilya forever’.

Image by Korina Sanchez via Instagram

Nauna nang ibinahagi ni Ricky Lo sa kaniyang Funfare column sa Philippine Star ang bulong-bulongan na posibleng mapanood na si Korina sa TV5 sa mga darating na araw para sa ‘recharged’ version ng kaniyang Kapamilya show na ‘Rated K’.

Tila kinumpirma naman ito ng isang ulat ng Bilyonaryo na nagsasabing mas pinili ni entertainment mogul Albee Benitez si Korina kesa kay Kris para sa isang magazine show na kaniyang ipo-produce sa Kapatid network ni Manny V. Pangilinan (MVP).

Image by Kris Aquino via Facebook

Inaasahan umanong ilulunsad na ni Benitez ang ‘Rated Korina’ sa TV 5 sa darating na Oktubre lalo pa’t mistulang nagpaparamdam na rin ang dating Kapamilya host ng kaniyang posibleng paglipat at pagkakaroon ng bagong programa.

Dati nang nagkasama sina Kris at Korina sa ‘Morning Girls with Kris and Korina’ sa ABS-CBN at tumagal ang kanilang programa ng halos dalawang taon, mula July 2002 hanggang May 2004.

Loading…