Sinabihang “Bakit duling”, tugon ni Bela Padilla “Hala mali. Banlag”

Image by Bela Padilla via Instagram
  • Netizen nag-komento ng “Bakit duling” sa Instagram post ni Bela Padilla
  • Pero saad ni Bela: “Hala mali. Banlag”
  • Taong 2018 pa nang aminin ng aktres ang kanyang eye defect

Itinama ng aktres na si Bela Padilla ang komento ng isang netizen sa kanyang larawan sa Instagram na may ineendorsong bitamina. Saad kasi ng ng netizen “Bakit duling” kalakip ang thinking emoji.

Image by Bela Padilla via Instagram

Sumagot naman dito ang 29-taong-gulang na aktres, at mali aniya ang terminong binanggit ng netizen patungkol sa kanyang eye defect. “Hala mali. Banlag” kalakip ang smiley.

Taong 2018 nang aminin ni Bela na mayroon siyang strabismus o ang kondisyon kung saan hindi maayos na naka-align ang parehong mata, na nahahalata raw kapag puyat siya o may sakit.

Hindi naman daw siya nababahala rito sapagkat hindi naman ito nakaaapekto sa kanyang paningin. Ang mahalaga sa kanya, aniya, ay nakikita pa rin niya ang magandang mundo kung saan tayo nabubuhay.

“Actually bata pa lang ako medyo banlag na po ako. Nao-obvious lang siya now pag puyat ako o may sakit. But to be honest, I’m not bothered because it does not impair my vision. Also, I don’t mind as long as I get to see the beautiful world we live in! And I, thank you! Hehehe.”

Dinepensahan naman ng mga tagahanga ang aktres. Sabi ng isa, “Nakalulungkot kang nilalang. Did you know that?”

“Siraulo ‘ata ito eh sarap konayatan! Ang nega. Buti na lang you k*ll*d him with your kindness Bela.”

Image by Bela Padilla via Instagram

“Kung makapag-comment akala mo naman guwapo ka. Manlait ng naaayon sa hitsura, oi. Kung hindi naman guwapo, ‘wag na manlait.”

Bela Padilla, Best actress nominee sa 15th Seoul International Drama Awards

Ngayong taon lamang ay na-nominate si Bela Padilla bilang Best Actress sa 15th Seoul International Drama Awards dahil sa kanyang pagganap sa TV soap na Sino Ang May Sala? Mea Culpa.

Kasama niya sa mga nominado ang mga aktres na hinahangaan niya kagaya ng British actress na si Imelda Staunton na gumanap na Professor Dolores Umbridge sa Harry Potter and the Order of the Phoenix.

Imahe mula sa Viva Artists Agency

Loading…