Sinasabing anak ni John Regala naging emosyonal sa resulta ng DNA test nila

Screenshot mula sa Raffy Tulfo In Action video
  • Lumabas na ang DNA test ni John Regala at ng sinasabing anak niya
  • Nalungkot ang lalaki nang malamang negatibo ang resulta ng DNA Test
  • Sinabi naman ni John Regala na maaari siyang ituring na ama ng lalaki

Matapos ang ilang linggong paghihintay ay inilabas na sa programang Raffy Tulfo In Action ang resulta ng DNA test ni John Regala at ng lalaking nagsasabing anak siya ng aktor.

Imahe mula sa Facebook page ng Radyo inquirer San Carlos

Si John Paul Santos, isang 25-anyos na truck driver na naninirahan sa Tanauan, Batangas, ay naniniwalang si John Regala ang ama nito dahil ito raw ang sabi ng kanyang ina na si Vilma Santos (hindi ang aktres) na nagtatrabaho noon sa Japan kung saan nito nakilala ang aktor.

BASAHIN: Nagpakilalang anak ni John Regala, gustong makita ang ama na matagal nang hinahanap

Nauna nang itinanggi ni John Regala na kilala niya si Vilma Santos na ina ni John Paul Santos, subalit aminado siya na minsan na siyang nakapunta sa Japan noon kasama ang kanyang dating asawa.

Tumulong ang team ni Raffy Tulfo na maalis ang mga agam-agam kung si John Regala nga ang ama ni John Paul Santos sa pamamagitan ng DNA test.

Bago sabihin ang DNA result ay inaalam muna ni Raffy Tulfo ang damdamin ng dalawa kung anuman ang maging resulta. Sinabi ni John Regala na may 50/50 chance na siya ang ama ni John Paul, na naniniwala naman at umaasang ang aktor ang kanyang ama.

Screenshot mula sa Raffy Tulfo In Action video

Maging ang mga viewers ng programang Raffy Tulfo In Action ay umaasa na positibo ang resulta.

Sa kasamaang palad ay negative ang DNA result dahilan para malungkot si John Paul. Batay sa resulta ay zero ang probability na siya ay anak ni John Regala.

Screenshot mula sa Raffy Tulfo In Action video

Positibo naman ang naging mensahe ng aktor kay John Paul. Aniya, nalungkot din siya na hindi siya ang ama ng lalaki.

“Na-disappoint ako, na-frustrate ako hindi kita naging anak… Alam ko ang nararamdaman mo dahil ganyan din ang pakiramdam ko ngayon… Welcome ka sa akin… Puwede mo akong ituring bilang ama mo,” anang aktor.

Sabi ng aktor, very flattered daw siya na siya ang kinikilalang ama ni John Paul.

Screenshot mula sa Raffy Tulfo In Action video

Loading…