Social distancing failure sa Manila Bay hindi lang law enforcers ang may kasalanan

Screenshot mula sa Handcam Hunter vlog
  • Sinabi ni PNP chief Gen. Cascolan na hindi lang ang kapulisan ang may kasalanan sa social distancing failure na nangyari sa Manila Bay Sands
  • Naalis sa puwesto ang hepe ng MPD Station 5 dahil sa nangyaring social distancing violations
  • Sabi ni Cascolan, sana maisip din ng publiko kung saan sila nagkamali

Hindi lang ang pulisya ang may pagkakasala sa nangyaring pagsisiksikan ng mga tao na dumagsa sa Manila Bay noong Linggo, September 20, ayon kay Philippine National Police (PNP) chief General Camilo Cascolan.

Screenshot mula sa video ng Inquirer

Dahil hindi naipatupad ang social distancing rule ay nasibak sa puwesto ang hepe ng MPD Station 5 na si Lt. Col. Ariel Caramoan na siyang may hurisdiksyon sa lugar.

Sa isang press conference, binigyang-diin ni General Cascolan na ang nangyari ay dapat magsilbing aral para sa lahat – sa hanay ng mga awtoridad at sa publiko.

“I’d like to be frank. Hindi lang po pulis ang may kasalanan. Dapat matuto tayo. Sa amin pong kapulisan, we always follow the rule of law and when we follow the rule of law we have no choice. It’s command responsibility and I emphasize command responsibility during my first speeches,” anang PNP chief.

May pagkukulang ding umanong nagawa ang mga taong nagtungo sa Manila Bay Sands kaya nauwi sa pagkaka-alis sa puwesto ni Lt. Col. Caramoan. Kung sinunod umano ng lahat ang pag-iingat dahil sa banta ng COVID-19 ay hindi sana hahantong sa ganoong ang mga pangyayari.

Screenshot ng Twitter post ni Richi_Richy

“Mahirap po talaga sa mga kapulisan pero wala po kaming magagawa. Kailangan matuto po ang komunidad sa ginawa po namin. Siguro naman po sasabihin ninyo sa amin na mali ata’ ‘yun, pero dapat isipin n’yo saan din kayo nagkamali. ‘Dapat hindi na-relieve ‘yung aming kapulisan kung ginawa namin ang tama,’ hindi po ba?” ani Gen. Cascolan.

Ipinaalala ng heneral na ang COVID-19 ay hindi lang laban ng kapulisan kundi laban ng lahat.

Screenshot mula sa Handcam Hunter vlog
Source :

Inquirer, MSN

Loading…