Social media ‘imo-monitor’ na ng PNP para sa mga posibleng lumabag sa quarantine protocol

Imahe mula sa CPO Magazine
  • Inatasan ni Gen. Eleazar ang kapulisan na i-monitor ang social media para sa mga posibleng lumabag sa quarantine protocol
  • Marami raw kasing netizens ang nag-upload ng mga larawan at video na nagpapakita nito
  • Hinimok rin ni Eleazar ang publiko na isumbong sa kapulisan ang sinumang lumabag sa protocol

Inatasan na ni Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, hepe ng Joint Task Force COVID Shield, ang mga precinct commander na i-monitor ang social media para sa mga psoibleng paglabag ng ilang tao sa health protocol.

Ito ay matapos umanong maglabasan sa social media ang larawan at videos ng ilan na nag-iinuman at nagtitipon-tipon subalit hindi sumusunod sa quarantine regulations.

Gen, Eleazar| Imahe mula sa Facebook

Ayon kay Eleazar, mga netizens mismo ang nagbabahagi ng mga katulad na larawan tulad na lamang ng mga motorcycle pillion riders na lumalabag sa lockdown protocol.

“The social media are full of photos and evidence of hardheaded people deliberately violating the quarantine protocols,” ani Eleazar.

Maaari umanong gamitin ng kapulisan ang mga nabanggit na larawan bilang ebidensiya upang papanagutin ang mga quarantine violators.

“These can be used as pieces of evidence to warn, to fine and to summon the people concerned in coordination with the barangay officials concerned,” ayon pa sa opisyal.

Quarantine violators| Imahe mula sa PNA

Hinimok rin ni Eleazar ang publiko na isumbong sa awtoridad ang sinumang lumabag sa ipinatutupad na health protocols.

Kamakailan ay binalaan din ng bagong talagang PNP chief Police General Camilo Cascolan na didisiplinahin niya ang sinuman sa mga tauhan ng PNP na mapatutunayang lumabag sa quarantine protocols.

Ayon sa talaan ng JTF COVID Shield, umabot na sa 365,000 na quarantine violators ang nabigyan ng warning, pinagmulta o kaya ay sinampahan ng kaukulang reklamo simula nang ipatupad ang guidelines noong Marso 17.

Loading…