Space mission impossible? Tom Cruise lilipad patungong outer space para sa kaniyang bagong pelikula

Imahe mula sa CinemaBlend
  • Lilipad patungong outer space si Tom Cruise para sa shooting ng kaniyang bagong pelikula
  • Sa Oktubre 2021 magsisimula ang kaniyang space mission
  • Makakasama niya sa mission ang direktor na si Doug Liman

Nakatakdang lumipad si Hollywood superstar Tom Cruise patungong outer space sa susunod na taon para sa shooting ng kaniyang bagong pelikula. Kinumpirma ito sa isang tweet ng Space Shuttle Almanac ilang araw lang ang nakararaan.

Ang pelikulang pagbibidahan ni Cruise ay ididirehe ni Doug Liman, ang director ng ‘Edge of Tomorrow’ at makakasama rin ng aktor sa space mission sa Oktubre 2021.

Screenshot mula sa Twitter

Ang bagong proyekto ay gagawin sa pakikipagtulungan ng NASA, Axiom Commercial Space Station at ng American aerospace manufacturer SpaceX ni Elon Musk. Si Commander Michael Lopez-Alegria naman ang magiging piloto ng nabanggit na space mission.

“So its confirmed that @CommanderMLA is flying the @Axiom_Space @SpaceX #CrewDragon tourist mission with Director @DougLiman & Tom Cruise. One seat still to be filled. They are to launch in October, 2021,” ayon sa tweet.

Imahe mula sa Collider

Ang pelikula ay inaasahang isang action-thriller subalit wala itong kinalaman sa ‘Mission: Impossible’ series na pinagbibidahan din ni Cruise. Hindi pa rin kumpirmado kung ano ang magiging titulo nito.

Dati nang napaulat ang nasabing proyekto noong Mayo matapos itong ibahagi ni NASA Administrator Jim Bridenstine sa isang tweet.

“NASA is excited to work with @TomCruise on a film aboard the @Space_Station! We need popular media to inspire a new generation of engineers and scientists to make @NASA’s ambitious plans a reality,” ani Bridenstine.

Screenshot mula Twitter

Maliban sa pagiging direktor, si Liman din ang magusulat ng script habang si Christopher McQuarrie naman ang tatayong story adviser at producer ng pelikula kasama ni PJ van Sandwijk.

Si Tom Cruise ay kilala sa pagiging metikuloso sa paggawa ng kaniyang mga eksena at kadalasan ay siya rin mismo ang gumagawa ng mga delikadong stunt tulad ng kaniyang paglambitin sa helicopter sa ‘Mission: Impossible Fallout’, pagtalon sa gilid ng eroplano sa ‘Mission: Impossible Rogue Nation’, at pag-akyat sa tuktok ng Burj Khalifa sa ‘Mission: Impossible: Ghost Protocol’.

Loading…