Speaker Pantaleon Alvarez may paalala sa publiko hinggil sa pagpili ng susunod na Pangulo

  • May paalala si Pantaleon Alvarez sa publiko
  • Dapat may “utak” ang piliing susunod na Pangulo ng bansa
  • Malaki raw ang problemang kakaharapin ng magiging successor ni Pangulong Duterte

“Kapag pumili tayo ng susunod na Pangulo, dapat iyong may utak… Huwag pa-selfie-selfie lang.”

Iyan ang direkta, tuwiran, at maanghang na panawagan at paalala ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez sa publiko, ayon sa panayam sa kaniyang ng ABS-CBN News Channel o ANC.

Public Domain Image

Si Alvarez ang kauna-unahang Speaker of the House of Representatives sa ilalim ng administrasyong Duterte. Aniya, kailangan daw may “utak” ang magiging successor ng pangulo dahil tiyak na mararamdaman nito ang aftermath ng pandemya.

“Kapag pumili tayo ng susunod na Pangulo, kailangan may utak kasi iyong mamanahing problema ng susunod na Pangulo napakalaki,” aniya.

Dagdag pa niya, “Iyong sinasabi kong utak, may kakayahan na mamuno sa ating bansa, iyong leadership quality… Hindi iyong pa-selfie-selfie lang, pa-post-post sa Facebook para maging popular.”

Nilinaw niyang wala raw siyang pinatatamaan o pinatutungkulang politiko sa kaniyang tinuran. Subalit marami sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang hinuha na bukod kay Vice President Leni Robredo, maaaring ang pinatatamaan ni Alvarez ay ang “sidekick” ng Pangulong Duterte na si Senador Christopher “Bong” Go.

Dapat daw maipamulat sa mga botante ang kahalagahan ng matalinong pagpili ng mga susunod na pinuno ng bansa, lalo’t matatapos na ang termino ni Pangulong Duterte at magsasagawa na naman ng halalan sa 2022.

Public Domain Image

“Gusto mo ng matinong pamahalaan? Umpisahan natin ngayon. Huwag nating hintayin na mag-file sila ng certificate of candidacy,” sabi niya.

Matatandaang nasipa sa pagka-Speaker of the House si Alvarez noong 2018. Sinasabing ang nasa likod umano nito ay ang anak ni Pangulong Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio. Pinalitan siya ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, na noon ay kongresista ng Pampanga.

Samantala, sinabi naman niya na tutol siya sa “term-sharing” at kailangan daw tapusin ng kasalukuyang House Speaker na si Alan Peter Cayetano ang kaniyang termino.

Loading…